Pumunta sa nilalaman

Karahasan laban sa kababaihan sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kabilang sa karahansan laban sa kababaihan sa Pilipinas ang iba't ibang uri ng karahasan nakabase sa kasarian. Ang katawagang "karahasan laban sa kababaihan" ay "ang salita o konsepto (na) ginamit sa isang malawak, inklusibong pamamaraan upang sakupin ang abusong berbal, pananakot, paulit-ulit na pisikal na panananalakay, homisidyo, seksuwal na pananalakay, at gahasa (partikular ng kababaihan)."[1] May kinikilingang kasarian ang anyo ng karahasan na ito. Nangyayari ang kaharansan dahil sa kanilang kasarian, partikular dahil kababaihan ang mga biktima.

Ang 18-day campaign to end violence against women and children o "18 araw na kampanya upang wakasan ang karahasan labas sa kababaihan at kanilang anak" ay isang kampanya na naglalayong labanan at wakasan ang karahasan sa mga kababaihan at mga bata. Ito ay isinasagawa tuwing Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12, at ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng mga pagsasanay, pagpapalaganap ng kamalayan, at mga gawain upang bigyang-diin ang mga karapatang pantao ng mga kababaihan at bata, lalo na sa konteksto ng kahirapan, diskriminasyon, at paglabag sa kanilang karapatan. Sa loob ng panahong ito, tinutugunan ng gobyerno, mga NGO (o mga organisasyong di pampamahalaan), at mga indibiduwal ang suliranin ng karahasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo, pagpapalaganap ng impormasyon at edukasyon, at pagpapalakas ng kanilang adbokasiya upang mapigilan ang lahat ng uri ng karahasan sa kababaihan at bata.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Dobash, R. Emerson. and Russell Dobash. Rethinking Violence against Women. Thousand Oaks, CA: Sage Publications, 1998. Print.
  2. Philippine Commission on Women. “18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) in the Philippines.” 2021, https://pcw.gov.ph/18-day-campaign-end-violence-against-women-vaw-philippines. Natagpuan: 03/10/2023