Pumunta sa nilalaman

Panggagahasa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gahasa)
Isang tagpuan ng panggagahis mula sa sinaunang bansang Hapon. Iginuhit ni Utagawa Kuniyoshi (mga 1797 hanggang 1861).

Ang panggagahasa[1] ay isang uri ng sekswal na panlulusob na karaniwang pagtatalik (o iba pang gawaing penetrasyong sekswal) ang sinimulan laban sa isa o higit pang indibidwal na walang pahintulot. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pisikal na lakas, pamimilit, pang-aabuso sa kapangyarihan o laban sa taong hindi makapagbigay ng pahintulot, katulad ng isang taong walang malay, baldado, o wala sa tamang edad. Ang terminong panggagahasa ay tinatawag ding sekswal na panghahalay.

Nag-iiba ang dalas ng pag-uulat, pagsasakdal at paghahatol ng panggagahasa sa iba’t ibang saklaw. Ang saklaw ng panggagahasang naitala ng pulisya sa taong 2010 ay nasa pagitan ng 0.2 sa bawat 100,000 katao sa Azerbaijan, 92.9 sa bawat 100,000 katao sa Botswana, at bilang median, 6.3 sa bawat 100,000 katao sa Lithuania. Ayon sa American Medical Association (1995), ang sekswal na karahasan, lalo na ang panggagahasa, ay ang pinakamadalang maulat ng panggagahasa kumpara sa ibang marahas na krimen. Ang panggagahasa ng mga estranghero ay karaniwang mas madalang kaysa sa panggagahasa ng mga taong kakilala ng biktima. Maraming pag-aaral ang nagsasaad na ang mga panggagahasang lalaki-sa-lalaki at babae-sa-babae sa mga bilangguan ay karaniwang nangyayari at maaaring ang pinakamadalang na ibalitang paraan ng panggagahasa.

Kapag bahagi ng isang laganap at sistematikong kasanayan sa panahon ng pandaigdigang hindi pagkakasundo, ang panggagahasa at seksuwal na pang-aalipin ay kinikilala bilang krimen laban sa sangkatauhan at krimeng pandigmaan. Ang panggagahasa ay kinikilala rin bilang isang elemento ng genocide kapag ginawa ito na may layuning sirain, sa kabuuan o sa bahagi, ang isang pangkat etniko.

Ang mga taong ginahasa ay maaaring malubhang matroma at magdusa mula sa Posttraumatic Stress Disorder; bilang karagdagan sa sikolohikal na pinsala. Ang panggagahasa ay maaring maging sanhi ng pisikal na pinsala at karagdagang resulta, tulad ng sakit na nakukuha sa pagtatalik, o pagbubuntis. Higit pa rito, pagkatapos mangyari ang panggagahasa, maaaring harapin ng karahasan o pagbabanta ang biktima mula sa nanggahasa, at, sa ilang kultura, mula sa pamilya at mga kamag-anak ng biktima. [1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Gahasa, paggahis, panggagahis, paggahasa, panggagahasa, atbp.". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

BatasSeksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.