Pumunta sa nilalaman

Malaswang usapan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang malaswang usapan ay isang pamamaraan ng paggamit ng mga salitang nakakalikha ng mga malilinaw na imahe at ito'y nakakapagpatindi ng seksuwal na kasiyahan tuwing o bago ang pagtatalik. Kadalasan, ito'y bahagi ng laro bago magtalik.

Ang mga pamamaraang gaya ng seksuwal na paglalarawan, katatawanang seksuwal, seksuwal na utos at bastos na mga salita ay kabilang sa malalaswang usapan. Maaari itong ibulong sa tainga ng kasintahan, o sa telepono, o sa mensaheng ipinadadala gamit ang cell phone.

Kapag ang magkarelasyon ay malayo sa isa’t-isa at imposibleng magkaroon ng pagkakataon upang sila’y makapagtalik o magkaroon ng kahit anong pisikal na paglalapit, ang malalaswang usapan ay maaaring maging importanteng aspeto ng birtwal na pagtatalik, partikular na ang pagtatalik gamit ang telepono o ang internet.

Ang malaswang usapan ay natural na mas higit na sekswal kaysa sa usapan pagkatapos ng pagtatalik (pillow talks) kaya mas mainap na mauna ito bago ang aktwal na pagtatalik.

Ang pakikipag-usap tungkol sa seks kasama ang ka-sex bago ang pagtatalik ay nakabubuti upang mas mapasarap at mas maging ligtas ang pagtatalik[1] ayon sa mga tagapagturo ng seks.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "In a list of 10 safe sex tips, communication is no. 1". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-19. Nakuha noong 2007-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Kategorya:Mga gawaing seksuwal

Seksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.