Libido

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Isang magkasintahang nagtalik matapos na dinggin nila ang udyok ng kanilang mga damdamin para sa isa't isa.

Ang libido, sa pangkaraniwang paggamit ng salita, ay nangangahulugang simbuyo, udyok, gana o pagnanasang seksuwal ng tao[1]; subalit may mas teknikal na mga kahulugang katulad ng mga matatagpuan sa mga gawain ni Carl Jung na mas pangkalahatan o malawak, na tumutukoy sa libido bilang isang malayang malikhain o lakas, enerhiya, o gana ng isipan[1] na kailangang ilagay ng isang indibiduwal patungo sa kaunlaran ng sarili o indibiduwasyon. Sa pangkaraniwang pakahulugan, nagiging katumbas ito ng libog, kamunduhan, pangungutog, o "kati ng ari" (kagustuhang makipagtalik).[2]

Ang mababang libido ng isang tao ay maaring makaapekto sa romantikong relasyon nito. Maaaring pataasin ang libido ng isang tao sa pamamagitan ng mga sangkap na tinatawag na aprodisyak gaya ng cantharidin na maaaring makuha sa Spanish fly. [3] Sa mga lalaki, mayroon ding mga gamot na ginagamit upang gamutin ng mga hirap magpatigas ng ari.[4]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Libido". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227. , pahina 70.
  2. Gaboy, Luciano L. Libido - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. 
  3. Mga Pagkaing Aprodisyak: Ang Spanish Fly. Foodienarium. Hinango noong 15 Setyembre 2018.
  4. "Panlahat na Dosis sa ED." Tadalis SX. Hinango noong 03 Oktubre 2018.


TaoSeksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.