Pumunta sa nilalaman

Pagtatalik na pangkamay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang larawan na iginuhit ni Johann Nepomuk Geiger noong 1840 na naglalarawan ng pagtatalik na pangkamay. Dito ang babae ang nagsasagawa ng pagsasalsal ng titi ng lalaki.
Isa pang larawang iginuhit ni Johann Nepomuk Geiger na nagpapakita naman ng nagbibigayang masturbasyon. Dito kapwa ginagamit ng lalaki at babaeng nagtatalik ang kanilang kamay upang salsalin ang bawat isa. Iginuhit ito noong 1840.

Ang Pagtatalik na pangkamay o pagtatalik na kinakamay (Ingles: handjob, wristie) ay ang isang gawaing pangpagtatalik na ginagamitan ng kamay ng isang katalik ang estimulasyon ng titi ng kaparehang lalaki. Ang humahawak at nagsasagawa ng estimulasyon ng titi ng lalaki ay maaaring isang katalik na lalaki o kaya babae, na karaniwang sumasapit sa sukdulan at hanggang sa labasan ang lalaki. Ang gawaing ito ay katulad ng pagsasalsal o masturbasyon ng lalaki, bagaman ang pagsasalsal ng lalaki ay ginagawa lamang ng lalaki sa kanyang sarili. Ang kinakamay na estimulasyon ng puki, tinggil, o bulba ng babae ay tinatawag na pagdadaliri ng puki, habang ang kinakamay na estimulasyon na kinalalahukan ng mga nagtatalik at sabayan ang paggawa nito ay tinatawag na nagbibigayang pagsasalsal o masturbasyong mutwal (sabayang pagsasalsalan).

Sa mga pook na ilegal ang prostitusyon, ang mga parlor na pangmasahe - na kilala sa pag-aalok ng mga serbisyong seksuwal, ay maaaring mag-alok ng pagtatalik na pangkamay sa mga kliyente habang nananatili sa loob ng batas laban sa prostitusyon. Ang katawagan sa Ingles na wristie ay mula sa Australyanong Ingles na naging tanyag dahil sa podcast sa radyo ng WTN Radio sa Australya.[1] Tinawag itong wristie dahil sa ang kumikilos sa gawain ay ang wrist o galang-galangan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Wristie". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-06. Nakuha noong 2012-01-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-04-06 sa Wayback Machine.