Laruang pantalik

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang mga laruang pantalik ay isang instrumentong nilikha upang paigtingin ang pantaong kasarapang sekswal ang laruang pantalik, katulad ng dildo o vibrator. Idinisenyo ang karamihan sa mga laruang pantalik na ito upang iwangis sa mga ari ng tao at maaaring gumagalaw o hindi. Maaari ring isali sa terminong ito ang mga aparatong BDSM at kasangkapang pantalik gaya ng mga sakbat, subalit hindi sakop nito ang pagpigil sa pag-aanak, pornograpiya o mga condom. Kabilang sa mga alternatibong tawag dito ang laruang pangmatanda at tulong sa mag-asawa. Kaiba sa unang nabanggit, mas malawak ang sakop ng tulong sa mag-asawa at ginagamit na tumutukoy sa mga droga at halaman na ibinibenta upang di-umano'y mas mapasarap at mapahaba ang pagtatalik. Kadalasang ibinebenta sa tindahang pantalik ang mga laruang pantalik.

Mga uri[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang erotic electrostimulation ay isang uri ng laruang pantalik na para sa parehong kalalakihan at kababaihan. Sadyang hinulma ang kasangkapang erotiko para sa kaginhawaan, mga antas ng pagtagos, at pagpapasigla.