Pumunta sa nilalaman

Karaingan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa pangkalahatan, ang karaingan (mula sa salitang daing) ay isang kamalian o pagpapakasakit (paghihirap) na naranasan, na maaaring totoo o sinasapantaha (ipinapalagay), na bumubuo ng marapat na mga dahilan ng pagrereklamo. Sa nakaraang mga kapanahunan, ang salita ay nangangahulugang katayuan ng mga bagay na nakapaniniil.[1]

Kasaysayan at politika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang panghihimagsik ng mga baron sa Inglatera noong kaagahan ng ika-13 daantaon, na humantong sa Magna Carta ng 1215, ay bahagyang inudyok ng mga pagdaing laban sa mga pang-aabuso ni Haring John. Ang karapatang ito na petisyunin ang hari, para sa mga karaingan, ay ipinagtibay ng Susog ng mga Karapatan noong 1689 ng Parlamento ng Inglatera. Ang Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Mga Nagkakaisang Estado ay pangunahing isang pag-iisa-isa ng mga daing ng mga kolonista laban kay Haring George III.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Batas Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.