Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2007 Hunyo 4
Itsura
(Idinirekta mula sa Kasalukuyang pangyayari/2007 Hunyo 04)
- Itinakda ng Komisyon sa Halalan (Comelec) ang proklamasyon ng 10 sa 12 nanalong senador sa darating na Miyerkules. Anim sa 10 ay miyembro ng Genuine Opposition, dalawa ang pambato ng administrasyon at dalawa ang kumandidato bilang independyente.
Ang 10 nanalong senador ay sina Loren Legarda, Francis Escudero, Panfilo Lacson, Manny Villar, Francis Pangilinan, Benigno Aquino, Edgardo Angara, Alan Peter Cayetano, Joker Arroyo at Gregorio Honasan.
- Tinanggap ni Sen. Ralph Recto ng Team Unity na malamang ang kanyang pagkatalo sa nagdaang halalan kahit hindi pa tapos ang bilangan.Ayon sa kanya: “The outpouring of votes is impressive and warmly appreciated but maybe not enough to constitute a mandate to serve. It is a verdict I accept without rancor or bitterness.Base na rin sa sariling impormasyon ng kanyang mga tauhan, tanggap niya na talo na siya. Sa pinkahuling bilang ng Comelec, naglalaro sa ika-14 na pwesto si Recto at kakailanganin ng di bababa sa 1.2 million votes para makahabol sa "Magic 12."
- 11 sundalo ang nasawi sa isang pagsabog na kagagawan diumano ng mga militanteng Muslim sa lalawigan ng Yala sa timugang Thailand. Sa magkahiwalay na pangyayari, pitong Muslim naman ang nasawi sa isang pananalakay ng mga di-kilalang armado sa isang mosque sa lalawigan ng Songkhla.
- Kinundena ni Pangulong George W. Bush ng Estados Unidos ang pagkakapiit ng apat na Amerikano sa Iran at nanawagan sa kanilang kagyat na pagpapalaya.
- Nagapalabas ang Pangulong Pervez Musharaff ng Pakistan ng isang kautusan na lalong nagpapalakas sa kontrol ng pamahalaan sa media kabilang na ang paggamit ng internet at mobile phones. Ipinalabas ang kautusan makaraang di magustuhan ng Pangulo ang coverage ng media sa mga malawakang kilos-protesta ng oposisyon sa mga pangunahing lungsod ng Pakistan.
- 19 ang nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter sa paliparan ng Freetown sa Sierra Leone. Kabilang sa mga nasawi ay ang Ministro ng Isports ng Togo na si Richard Attipoe.