Pumunta sa nilalaman

Kasanayang seksuwal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga kasanayang pampagtatalik o kasanayang seksuwal ay ang mga kasanayan na natutunan ng isang tao na may kaugnayan sa seksuwalidad at pakikipagtalik. Isang paraan ng pagkakaroon ng kasanayang seksuwal ay sa pamamagitan ng araling pampagtatalik at pangpakikipag-ugnayan.

Pagkakapareho ng lalaki at babae

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Marami sa mga kasanayan sa pakikipagtalik ay karaniwan o magkapareho sa kapwa mga lalaki at mga babae. Kabilang dito ang kalambingan, pagkamapagdama (sensitibidad o pagkamapagdamdam), pakikipagtalik na may diwa ng pagbibigay at pagbibigayan, pagiging mapaglaro, pagiging bukas ng kalooban sa isa't isa, bulnerabilidad (pagiging mahina), ang kakayahan na mapunta ang isipan at diwa sa kalagayang parang nangangarap (trance), at ang pakikipag-usap (komunikasyon) na partikular na mas mapagpahayag at higit na nakakapagdulot ng pagpapalagayang-loob (intimacy) kaysa sa aktuwal na pakikipag-isang dibdib para sa mga babae.[1]

Pagkakaiba ng lalaki at babae

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangunahing kasanayang pampagtatalik para sa mga babae ay ang pagkakaroon ng orgasmo. Karaniwang natututunan ng mga babae na makarating sa kasukdulan kapag sumapit na sila sa edad na nasa gitna ng kabeyntehan, isang kasanayan na umiinam sa paglipas pa ng panahon. Kabahagi ng pagiging nakakarating sa orgasmo ang pagkatuto kung paano pumasok sa tinatawag na trance na orgasmiko. Natutunan ng mga babae ang dumating sa kasukdulan sa pamamagitan ng pagsasalsal na mag-isa. Samantala, ang pagiging sanay na makarating sa orgasmo habang nakikipagtalik ay kinasasangkutan ng pagtiyak sa estimulasyon ng tinggil sa pamamagitan ng posisyon at kilos, at sa paglalagay ng isipan na siya "nasa loob ng kaniyang katawan at nasa loob ng karanasan" ng pakikipagniig. Tumataas ang kapangyarihan o katindihan ng orgasmo kapag ang babae ay sanay na pumaloob sa karanasan ng pakikipagtalik.[1]

Sa mga lalaki

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangunahing kasanayang seksuwal na bukod-tangi sa mga lalaki ay ang pag-aantala o pagpapaatraso sa orgasmo hanggang sa makaranas na ng maraming mga orgasmo ang katalik niyang babae. Isa itong kasanayan na natututunan ng mga lalaki, bagaman hindi ito mahirap na makasanayan ng mga lalaki. Naisasagawa ito ng mga lalaki sa pamamagitan ng paghigop ng hininga habang kinikimkim ang titi, at pagdaka ay pakakawalan ang pinigilang hininga habang ipinapahinga ang titi. Pagkatapos ay pagagalawin ang balakang na papunta sa magkabilang mga gilid upang mapahinahon ang kaniyang enerhiyang seksuwal. Nararapat na isipin ng lalaki na siya ay humihigop ng enerhiya mula sa ibang lugar at paaagusin niya ang enerhiyang ito papasok sa loob ng kaniyang katalik na babae.[1]

Ang kasanayang makarating sa orgasmo ng lalaki ay paminsan-minsang kinasasangkutan ng paghugot ng halos buong katawan ng titi mula sa puki, at habang nasa ganoong posisyon ay magsasalsal nang bahagyang nakapasok ang titi sa puki ng katalik. Ang ilan sa mga lalaki ay mas natutulungan ang pagkaantig na seksuwal sa pamamagitan ng posisyong parang sa pakikipagtalik ng mga aso (pagtatalik na nakaharap ang lalaki sa likuran ng katalik na babae).[1]

Nararamdaman ng lalaki ang mga orgasmo ng kaniyang kapareha sa pamamagitan ng pagpuna o pagpansin sa kalagayang seksuwal ng katalik habang nagtatalik.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Sex Skills". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-04-25. Nakuha noong 2014-09-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Deida, David. The Enlightened Sex Manual: Sexual Skills for the Superior Lover (Sounds True : 2004/2007), 177 mga pahina
  • Irwin, Robert. Sexual Skills For The Christian Husband Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.
  • Irwin, Robert at Susan Irwin. Sexual Satisfaction For The Christian Wife Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine. (SPI Publications)
  • Irwin, Robert. Premature No More (gabay sa paglunas ng premature ejaculation o maagang ehakulasyon)
  • Irwin, Robert at Susan Irwin. When Your Husband Is Never In The Mood (pantulong sa kawalan ng kagustuhang seksuwal ng asawang lalaki)
  • Tastefully Illustrated Sexual Positions For Christian Couples
  • Sexual Fun And Games For Christian Couples
  • The Ultimate Guide To The G Spot
  • She Loves God, Me & Sex!
  • 300 Sex Questions
  • 101 Romantic Ideas
  • Sexy Coupons
  • Healing Touch Massage
  • The Art Of Kissing
  • The Keys To Better Sex Audio Outline

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]