Pumunta sa nilalaman

Kasaysayan ng Java (aklat)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
The History of Java
May-akdaThomas Stamford Raffles
BansaInglatera
WikaIngles
OCLC741754581
Isang Raha mula sa Bali. Guhit mula sa The History of Java ni Thomas Stamford Raffles, 1817

Ang History of Java (Tagalog: Kasaysayan ng Java) ay isang aklat na isinulat ni Ginoo Thomas Stamford Raffles, at nailathala noong 1817. Inilalarawan nito ang kasaysayan ng isla ng Java mula pa noong sinaunang panahon.[1] Ito ay muling nailathala sa pamamagitan ng isang digital master ng Cambridge University Press noong 2010.

Sa librong ito, si Raffles, na namuno bilang isang Gobernador-Heneral sa Silangang Indiyas ng Olanda mula noong 1811-1816, ay sumulat tungkol sa sitwasyon ng populasyon ng isla ng Java. Sinuri niya ang kaugalian, kundisyon ng heyograpiya, mga sistemang pang-agrikultura, mga sistemang pangkalakalan, wika at relihiyon na umiiral sa lugar noong panahong iyon. Ang libro ay nailathala sa dalawang bungkos (Bolyum I: 479 na mga pahina, at Bolyum II: 291 na mga pahina, na naglalaman ng mas marami pang mga guhit at larawan) at muling naimprinta noong 1965 ng Oxford University Press sa London.

Sa isa sa mga kabanata ng libro, si Raffles ay nag-ulat tungkol sa mga tradisyonal na seremonya na isinasagawa sa pagtanggap ng kapanganakan ng isang sanggol, sa kasal, at sa mga seremonya ng kamatayan na karaniwang isinasagawa mula pa noong sinaunang panahon. Naglalaman din ang aklat ng mga seremonya ng kaligtasan at pagdiriwang na nagtatampok ng mga tradisyonal na sayaw at palabas na papet noong ika-19 na siglo at mga panahong mas maaga pa.

Mga larawan sa aklat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawingang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]