Pumunta sa nilalaman

Katakawan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kasibaan sa pagkain at inumin)
Bahaging nagpapakita ng katakawan sa Ang Pitong Nakamamatay na mga Kasalanan at ang Apat na Huling mga Bagay.

Ang katakawan o glutoniya ay ang kasibaan sa pagkain at inumin o labis na pagkonsumo ng pagkain, inumin, at mga bagay na nakalalasing o intoksikante na umaabot sa pag-aaksaya. Sa ilang mga Kristiyanong denominasyon, itinuturing ito bilang isa sa pitong nakamamatay na mga kasalanan sapagkat isa itong wala sa lugar o hindi tamang pagnanais ng pagkain o pagkakait sa mga maralita at nangangailangan, sapagkat kumakain ng labis ang isang tao o kaya gumagawa ang tao ng paraan upang hindi mapunta ang pagkain o inumin patungo sa mga may kailangan nito. Nagbuhat ang salitang glutoniya mula sa Ingles na gluttony, na nagmula naman sa Lating gluttire na nangangahulunang lununin, lulunin, o lunukin.[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Gluttony - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Okholm, Dennis. Rx for Gluttony Naka-arkibo 2016-03-24 sa Wayback Machine., Christianity Today, Tomo 44, Bilang 10, Setyembre 4, 2000, pahina 62.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.