Paco Larrañaga
Si Francisco Juan "Paco" González Larrañaga (Francisco Juan Larrañaga y González sa ayos Espanyol; ipinanganak ika-27 ng Disyembre 1977) ay isang punong tagapaglutong Sebwano.[1] Nakilala siya bilang isa sa mga pitong nakulong at nahatulan ng parusang kamatayan kaugnay sa pagpatay kina Marijoy at Jacqueline Chiong.[2]
Dala ng kaniyang pagiging mamamayan di lamang ng Pilipinas kundi pati na rin ng Espanya siya ay nailipat sa isang kulungan sa San Sebastián.[3] Pinapayagan siyang maghanapbuhay sa isang restoran habang umuuwi gabi-gabi sa bilangguan pagkatapos magtrabaho.[1] Siya ay nakapagsasalita ng Espanyol at natutuhan ding mag-Basko sa kulungan.[4]
Si Larrañaga ang protagonista ng dokumental na pinamagatang Give Up Tomorrow na isinasalaysay ang mga karanasan niya, ng mga kasamahan niya sa bilangguan at ng dalawang pamilyang nagtutunggali nang dahil sa kaso ng mga nabilanggo.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 https://cebudailynews.inquirer.net/68277/paco-now-works-as-a-chef-in-spain
- ↑ 2.0 2.1 http://www.pacodocu.com/about
- ↑ https://www.eitb.eus/es/audios/detalle/785860/give-up-tomorrow-documental-describe-caso-paco-larranaga/
- ↑ https://www.diariovasco.com/20100121/al-dia-sociedad/matado-nadie-20100121.html
Ang lathalaing ito na tungkol sa Espanya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.