Kasunduan sa Tordesillas
Ang Kasunduan sa Tordesillas ay isang kasunduan o tratado sa pagitan ng Portugal at ng Espanya noong 1494, kung saan nagkasundo sila na hatiin ang lahat ng mga lupain sa Mundo na nasa labas ng Europa para sa pagitan ng dalawang mga bansa nila, na hindi isinasaalang-alang kung sinuman ang naninirahan na sa mga lupaing ito. Si Papa Alejandro VI ang papa noong panahon ng kasunduan. Gumuhit si Papa Alejandro VI ng isang likhang-isip na guhit na 2,193 mga kilometro papunta sa kanluran ng Cabo Verde, at ibinigay niya sa Portugal ang mga lupain na nasa silangan ng guhit na ito; at ibinigay naman niya sa Espanya ang mga lupain na nasa kanluran ng guhit na ito. Noong mga panahong iyon, ang mga namumuno sa Espanya ay sina Haring Ferdinand at Reyna Isabella, na ang isa sa kanila ay mula sa Castile at ang isa naman ay nagbuhay sa Aragon. Ang kasunduang ito ay nilagdaan sa Tordesillas, na pinagmulan ng pangalan ng kasunduan. Napabago ng kasunduang ito ang panggagalugad o eksplorasyon ng bagong mundo na isinagawa ng mga Kastila at ng mga Portuges. Samakatuwid, ang dalawang bansang ito ay nabigyan ng maraming mga lupain.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.