Pumunta sa nilalaman

Katarungan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
‘’Justitia’’ (Maarten van Heemskerk, 1556)

Ang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran (binabaybay ding katwiran[1]), pagiging wasto o kawastuhan (binabaybay ding kawastuan), katumpakan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman. Ibinibigay sa makatarungang paghuhukom, paghuhusga, o gawain ang parehas na paghahawak at pakikitungo, at pagbibigay ng karampatang gawad o trato, o kaya ng karampatang pagkilala.[2]

Kaugnay o katumbas ito ng mga salitang pagwawasto, kaparehasan[2], kaganapan, at kapangyarihan.[1]

Sa pananampalataya, katulad ng Katolisismo o Kristiyanismo, tumutukoy ang katarungan sa palaging pagtupad sa "mahal na kalooban" ng Diyos, sa gawang kabanalang tulad ng pagbibigay ng limos, pagdarasal, at pag-aayuno; at may kaugnayan sa o katumbas din ng kabutihan, kabanalan, at relihiyon.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Blake, Matthew (2008). "Justice". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Justice Naka-arkibo 2012-10-28 sa Wayback Machine..
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Justice - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Abriol, Jose C. (2000). "Katarungan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa bilang 5 at 6, pahina 1436; at talababa bilang 6, pahina 1438

BatasLipunanPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas, Lipunan at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.