Katedral ng Lesina
Ang Katedral ng Lesina (Italyano: Cattedrale della Santissima Annunziata) ay isang Katoliko Romanong simbahan at dating katedral alay sa Pagpapahayag sa Birheng Maria na matatagpuan sa Lesina, sa rehiyon ng Apulia, Italya.
Mayroong isang simbahan sa pook na ito mula bandang 600 na nagsilbing katedral ng dating Diyosesis ng Lesina hanggang sa ito ay pinigilan pabor sa Diyosesis ng Larino noong 1567. Itinayong muli sa mga nagdaang siglo, ang gusali ay nawasak ng isang lindol noong 1630. Noong 1650s, isa pang simbahan ang naitayo, na alay sa Pagpapahayag at ikinonsagrado noong 1691, na pinalitan naman ng ito noong 1828-1837. Noong 1922 ang bubong ay nahulog, at hindi isinaayos hanggang 1950s.
Ang simbahan ay may solong nabe na may kapilya sa dalawang panig. Ang panloob ay may mga fresco na naglalarawan sa Buhay ni Kristo ni Bocchetti Gaetano.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Comune of Lesina Naka-arkibo 2016-06-03 sa Wayback Machine., entry on church (2000) by Francesco Giornetta.