Katedral ng São Paulo
Itsura
Metropolitanong Katedral ng Luklukan ng São Paulo Catedral Metropolitana de São Paulo | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Probinsya | Arkidiyosesis ng São Paulo |
Taong pinabanal | 1954 |
Katayuan | Aktibo |
Lokasyon | |
Lokasyon | São Paulo, Brazil |
Mga koordinadong heograpikal | 23°33′04″S 46°38′04″W / 23.551168°S 46.634340°W |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Maximilian Emil Hehl |
Istilo | Neogotiko |
Groundbreaking | 1913 |
Nakumpleto | 1967 |
Mga detalye | |
Haba | 111 metro (364 tal) |
Lapad (nabe) | 46 metro (151 tal) |
Taas ng simboryo (panlabas) | 30 metro (98 tal) |
Taas ng taluktok | 92 metro (302 tal) |
Ang Metropolitanong Katedral ng Luklukan ng São Paulo (Portuges: Catedral Metropolitana, o Catedral da Sé de São Paulo) ay ang katedral ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng São Paulo, Brazil. Simula noong 2013, ang Metropolitanong Arsobispo ng arkidiyosesis ay si Odilo Pedro Scherer. Ang konstruksiyon niyo, sa estilong neogotiko ay sinimulan noong 1913 at natapos matapos ng apat na dekada. Inihanda ito para sa pag-aalay sa ika-400 anibersaryo ng pagkakatatag ng dating munting villa ng São Paulo ni Hepe o Cacique Tibiriçá at mga Heswitang pari na sina Manuel da Nóbrega at José de Anchieta. Sa kabila ng simboryo na nasa estilong Renasimiyento, itinuturing ito ng ilan bilang ang ikaapat na pinakamalaking neogotikong katedral sa buong mundo.