Katedral ng Sorrento
Itsura
Ang Katedral nina San Felipe at Santiago (Italyano: Cattedrale dei Santi Filippo e Giacomo), karaniwang kilala bilang Katedral ng Sorrento (Italyano: Duomo di Sorrento), ay isang Katoliko Romanong simbahan sa Sorrento, Italya. Ang katedral ay alay sa mga Santong sina Felipe ang Alagad at Santiago ang Makatarungan, at nagsisilbing luklukan ng Arsobispo ng Sorrento-Castellammare di Stabia mula pa noong 1986. Dati itong luklukan mga obispo at arsobispo ng Sorrento.