Santiago ang Makatarungan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Para sa ibang gamit, tingnan ang Santiago (paglilinaw).
Saint James the Just
Ikono ni Santiago
Martir, Adelphotheos
Kapanganakanhindi alam
Kamatayan62 CE(ayon kay Josephus at Jerome) o 69 CE (Ayon kina Hegesippus, Clemente ng Alehandriya, at Eusebio ng Caesarea)[1]
Herusalem
Pinipintuho saLahat ng denominasyon ng Kristyanismo
Kanonisasyonpre-kongregasyon
KapistahanMayo 3 (Simbahang Romano Katoliko), Mayo 1 (Anglikano), October 23 (Lutherano), (Episcopal Church (USA)), (Silangang Ortodokso), Disyembre 26 (Silangang Ortodokso)
Katangianfuller's club; taong humahawak ng isang aklat
KontrobersiyaSi Santiago ay minsang kinikilala kay Santiago na anak ni Alfeo at Santiago ang Kaunti. May hindi pagkakasunod tungkol sa kanyang eksaktong relasyon kay Hesus.

Si Santiago ang Makatarungan, Santiago ang Matuwid, Santiago, anak ni Cleofas, Santiago na pinsan ni Hesus, o Santiago na kapatid ni Hesus ay isang kamag-anak ni Hesus. Siya ang may-akda ng Sulat ni Santiago na nasa Bagong Tipan ng Bibliya. Siya ang unang obispo ng Simbahan ng Herusalem noong unang siglo CE. Kinikilala siya bilang "haligi ng Simbahan".[2]

Dahil sa doktrinang Walang hanggang pagkabirhen ni Maria sa ilang mga denominasyon ng Kristiyanismo na hindi pumapayag kay Maria na magkaroon ng mga anak pagkatapos ni Hesus, pinapakahulugan nilang ang "kapatid" ay tumutukoy sa "pinsan". Itinuring ni Jeronimo ang terminong "kapatid" ng Panginoon na pinsan at nagbigay konklusyon na ang "Santiagong, Kapatid ng Panginoon sa Galacia 1:19 ay nangangahulugang Santiago na anak ni Alfeo na isa sa Labindalawang Apostol gayundin bilang si Santiago na anak ni Maria Cleofas. [3] Gayunpaman, hindi siya kinikilala kay Dakilang Santiago.[3] Ang ibang mga denominasyong Kristiyano ay tumuturing sa Mateo 1:25 na nagsasaad na "Hindi niya sinipingan ang kaniyang asawa hanggang(heos) sa maipanganak niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki." na nangangahulugang si Maria ay nagkaroon ng pakikipagsiping kay Jose pagkatapos ipanganak si Hesus. Kanila ring pinapakahulugan ang mga tinukoy na "kapatid ni Hesus"(Matt. 12:46; Matt. 13:55; Mark 3:31–34; Mark 6:3; Luke 8:19–20; John 2:12, 7:3, 5, 10; Acts 1:14; 1 Cor. 9:5) bilang mga biolohikal na kapatid ni Hesus.

Pinuno ng Simbahan ng Herusalem[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon kay Apostol Pablo sa Galacia 2:9, sina "Santiago, Cefas(Pedro) at Juan ang mga kinilalang mga haligi" ng Simbahan ng Herusalem. Si Santiago ang autoridad sa Konseho ng Herusalem na nagbigay ng huling hatol sa tanong ng pagsunod ng mga akay na hentil sa pagtutuli at sa mga kautusan ni Moises. Hinatol ni Santiago na huwag magpatuli ang mga hentil ngunit kanyang ipinasya na ang mga hentil ay kailangan pa ring sumunod sa ilang mga kautusan ni Moises gaya ng pag-iwas sa idolatriya(diyos-diyosan), pangangalunya, dugo at mga binigting hayop. Ayon kay Santiago sa Mga Gawa 15:13-21,

Kahit si Pedro ay napailalim sa autoridad ni Santiago(Galacia 2:12-14),

at kahit si Apostol Pablo ayon sa Mga Gawa 16:4

Gayunpaman, si Santiago ay nabahala sa pagtuturo ni Apostol Pablo sa mga Hudyo nang hindi pagpapatuli at pagtalikod sa mga kautusan ni Moises ayon sa Mga Gawa 21:17-25,

Ang hatol ni Santiago ng pagbabawal sa mga hentil ng dugo, binigting hayop at sa diyos-diyosan ay sinalungat ni Pablo sa 1 Corinto 10:25 at 1 Corinto 8:4-8.

Ayon kay Eusebio ng Caesarea(263 CE – 339 CE) si Santiago ang Makatarungan ang unang obispo ng Herusalem. Kanya ring isinaad na isinulat ni Clemente ng Alehandriya(150 CE – c. 215 CE) na si Santiago ang Makatarungan ay hinirang nina Pedro, Santiago at Juan na maging obispo ng Herusalem noong unang siglo CE.[4] Ang Herusalem ay kinilala bilang patriarkada sa Konseho ng Chalcedon noong 451 CE. Isinulat ni Hegesippus sa kanyang mga Komentaryo na "Pagkatapos ng mga apostol, si Santiago na kapatid ng Panginoon na tinawag na Makatarungan ang ginawang pinuno ng Simbahan ng Herusalem"[5]Siya ang itinuturing na unang obispo o ang Patriarka sa Griyegong Ortodoksong Simbahan ng Herusalem.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Eddy, Paul R. and Boyd, Gregory A. (2007) The Jesus Legend: A Case for the Historical Reliability of the Synoptic Jesus Tradition. Baker Academic, pg 189
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Sulat ni Santiago". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077. , pahina 1766.
  3. 3.0 3.1 Camerlynck, Achille; English translation in Catholic Encyclopedia: Saint James the Less 1910
  4. http://www.newadvent.org/fathers/250102.htm
  5. Schaff "Hegesippus who lived near the apostolic age, in the fifth book of his Commentaries, writing of James, says "After the apostles, James the brother of the Lord surnamed the Just was made head of the Church at Jerusalem.""