Pumunta sa nilalaman

Kateri Tekakwitha

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Santa Catherine Tekakwitha
Ang tanging nalalamang larawan ni Catherine Tekakwitha na batay sa tunay niyang buhay na hitsura, circa 1690, ni Padre Chauchetière
Virgin;[1] Penitenteng
Relihiyosong Karaniwang Babaeng Tao
Ipinanganak1656
Ossernenon, Kumpederasyang Iroquois (Bagong Pransiya hanggang 1763, modernong Auriesville, New York)
NamatayAbril 17, 1680
Kahnawake (malapit sa Montréal), Quebec, Canada
Benerasyon saSimbahang Katoliko Romano
BeatipikasyonHunyo 22, 1980, Lungsod Batikano ni Papa Juan Pablo II
KanonisasyonOktubre 21, 2012, Lungsod Batikano ni Papa Benedicto XVI
Pangunahing dambanaSimbahan ng San Francisco Javier, Kahnawake, Quebec, Canada
KapistahanHulyo 14 (Estados Unidos), Abril 17 (Canada)
KatangianLiryo; Pagong; Rosaryo
Patronekologo, ekolohiya, kapaligiran, enbironmentalismo, mga enbironmentalista, pagka-ulila, mga taong pinalayas mula sa sariling tahanang pook, mga taong nilibak dahil sa kanilang pagkabanal, mga Amerikanong Katutubo, mga Igorot, Cordilleras, mga Tomasito, Hilagang Luzon, Diyosesis ng Bangued, Kabikaryuhan ng Tabuk, Kabikaryuhan ng Bontoc-Lagawe, Diyosesis ng Baguio, Pilipinas
KontrobersiyaPinangilagan at napalayas dahil sa kaniyang mga paniniwalang Katoliko Romano

Si Santa Kateri Tekakwitha, na bininyagan bilang Catherine Tekakwitha[2][3] at impormal na nakikilala bilang Liryo ng mga Mohawk (1656 – Abril 17, 1680), ay isang santong Katoliko Romano, na isang Algonquino-Mohawk na pangkaraniwang babaeng birhen at makapananampalataya. Siya ay ipinanganak sa kinaroroonan ng pangkasalukuyang New York, nakaligtas siya mula sa bulutong at naulila habang bata pa lamang, at pagkaraan ay nabinyagan bilang isang Katoliko Romano at sa mga huling taon ay humintil sa misyong Heswita na nasa nayon ng Kahnawake, na nasa timog ng Montréal ng Bagong Pransiya, na pangkasalukuyang Canada.

Naging tapat si Tekakwitha sa kaniyang pangako na manatiling birhen hanggang sa kaniyang kamatayan sa edad na 24. Nakikilala dahil sa kaniyang pagpapahalaga sa kalinisang-puri at pangkatawan na pagpapakasakit ng kalamnan, pati na ang pagiging pinangingilagan (iniilagan) ng kaniyang tribo dahil sa kaniyang paglipat ng pananampalataya upang maging isang Katoliko. Siya ang ikaapat na Katutubong Amerikano na pinipintuho sa Simbahang Katoliko Romano (pagkaraan ni Juan Diego, ang Indiyanong Mehikano ng mga paglitaw ng Birhen ng Guadalupe, at ng dalawang iba pang mga Indiyanong Oaxacano).[4] Siya ay nabeatipika ni Pinagpalang Papa Juan Pablo II noong 1980, at nakanonisa ni Papa Benedicto XVI sa Basilika ni San Pedro noong Oktubre 21, 2012.[4][5] Sari-saring mga himala at mga kaganapang sobrenatural ang ipinapalagay na dulot ng kaniyang pamamagitan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pierre Cholence, S.J., "Catharinae Tekakwitha, Virginis" (1696), Acta Apostolica Sedis, Enero 30, 1961
  2. Pierre Cholenec, S.J. (1696). The Life of Catherine Tekakwitha, First Iroquois Virgin. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-25. Nakuha noong 2012-02-18.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Claude Chauchetiere, S.J. (1695). "The Life of the Good Catherine Tekakwitha, said now Saint Catherine Tekakwitha". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-25. Nakuha noong 2012-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Pope Canonizes 7 Saints, Including 2 With New York Ties, The New York Times, 22 Oktubre 2012.
  5. EWTN Televised Broadcast: "Public Consistory for the Creation of New Cardinals", Roma, Pebrero 18, 2012. Basilika ni San Pedro. Pangwakas na mga pananalita bago ang pagtatapos na pinangunahan ni Kardinal Agostino Vallini.