Kathleen Kenyon
Kathleen Kenyon | |
---|---|
Kapanganakan | 5 Enero 1906 |
Kamatayan | 24 Agosto 1978 | (edad 72)
Nasyonalidad | United Kingdom |
Kilala sa | Jewry Wall, Wheeler-Kenyon method |
Karera sa agham | |
Larangan | Archaeologist |
Si Dame Kathleen Mary Kenyon, DBE (5 Enero 1906 – 24 Agosto 1978) ang nangungunang arkeologo ng kulturang Neolitiko sa Mabungang Gasuklay. Siya ay kilala sa kanyang mga paghuhukay sa Jericho at Bangalow noong 1952-1958.
Biograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Kathleen Kenyon ang pinakamatandang anak na babae ni Sir Frederic Kenyon na isang skolar ng Bibliya at kalaunang direktor ng British Museum. Siya ay nag-aral sa St Paul's Girls' School, nagbasa ng kasaysayan sa Somerville College, Oxford, Inglatera at naging unang pangulong babae ng Oxford University Archaeological Society. Si Kenyon ay hindi kailanman ikinasal.[1]
Arkeolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang karanasan sa larangan ni Kathleen Kenyon ay bilang isang potograpo para sa pasimulang mga paghuhukay sa Great Zimbabwe noong 1929 na pinangasiwaan ni Gertrude Caton-Thompson. Sa pagbalik sa Inglatera, si Kenyon ay lumahok sa mag-asawang arkeologong sina Mortimer at Tessa Wheeler sa mga paghuhukiay nito sa tirahang Romano-Briton ng Verulamium (St Albans) na mga 20 milya sa hilaga ng London. Sa pagtatrabaho doon sa tuwing tag-init ng 1930 at 1935, natutunan ni Kenyon kay Mortimer Wheeler ang disiplina ang maingat na kinontrol at itinalang paghuhukay na stratigapiko. Ipinagkatiwala ni Wheeler kay Kenyon ang paghuhukay ng teatrong Romano. Sa mga taong 1931 hanggang 1934, si Kenyon ay sabay na Samaria na sa panahong ito ay nasa pangangasiwa ng Mandatong Briton para sa Palestina kasama nina John Crowfoot at Grace Crowfoot. Dito, siya ay humiwa ng isang bambang (trench) sa kahabaan ng tuktok ng tambak (mound) at pababa sa hilagaan at katimugang mga libis (slope) na naglalantad sa Bakal II (Iron II) tungo sa panahong Romanong sekwensiya ng lugar. Sa karagdagan sa pagbibigay ng mahalagang materyal ng pagpepetsa para sa stratigrapiyang Panahong Bakal (Iron Age) ng Palestina, kanyang natamo ang mahalagang datos na stratipiyado para sa pag-aaral ng Silanganing kalakal na terra sigilata.
Noong 1934, si Kenyon ay malapit na kaugnay ng mga Wheeler sa pagtatag ng Institute of Archaeology ng University College London. Mula 1936 hanggang 1939, kanyang isinagawa ang mga mahalagang paghuhukay sa Pader na Pang-Hudyo sa siyudad ng Leicester. Sa panahong ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Kenyon ay nagsilbing Komander na Pang-Dibisyon ng Red Cross sa Hammersmith, London, at kalaunang ay bilang nagsisilbing Direktor at Kalihim ng Institute of Archaeology ng University of London.
Pagkatapos ng digmaan, siya ay naghukay sa Southwark, sa The Wrekin, Shropshire at sa iba pang mga lugar sa Britanya gayundin sa Sabratha na isang siyudad Romano sa Libya. Bilang kasapi ng Konseho ng British School of Archaeology in Jerusalem (BSAJ), si Kenyon ay nasangkot sa mga pagsisikap na muling bukas ang Paaralan pagkatapos ng paghinto sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong Enero 1951, siya ay naglakabay sa Transjordan at nagsagawa ng mga paghuhukay sa West Banki sa Jericho (Tell es-Sultan) sa ngalan ng BSAJ. Ang kanyang pagtatrabaho sa Jericho mula 1952 hanggang 1958 ang gumawa sa kanyang sikat sa buong mundo at nagtatag ng isang tumatagal na legasiya sa paraang arkeolohikal sa Levant. Ang mga bagong pagkakatuklas na nauukol sa mga kulturang Neolitiko ng Levant ay nagawa sa sinaunang tirahang ito. Ang kanyang paghuhukay sa Simulang Panahong Tanso (Bronze Age) na may pader na siyudad at ang mga panlabas na sementeryo ng huli ng Simulang Panahong Tanso kasama ng kanyang pagsisiyasat ng mga stratipiyadong mga paso (potteries) sa panahong ito ang nagtatag sa kanya na pangunahing autoridad ng panahong ito. Sa parehong panahon, kanya ring kinompleto ang publikasyon ng mga paghuhukay sa Samaria. Ang kanyang bolyum na Samaria Sebaste III: The Objects, ay lumabas noong 1957. Pagkatapos ng kanyang mga paghuhukay sa Jericho noong 1958, kanyan namang hinukay ang Jerusalem mula 1961 hanggang 1967 na tumutuon sa Siyudad ni David hanggang sa malapit sa katimugang Temple Mount.
Bagaman walang duda si Kenyon na ang mga lugar na kanyang hinukay ay nauugnay sa salaysay ng Lumang Tipan, gayunpaman, siya ay nagdala ng atensiyon sa mga salungatan sa salaysay na ito sa Bibliya at nagbigay ng konklusyon na ang mga kabayuhan ni Solomon ayon sa Bibliya sa Megiddo ay buong hindi praktikal sa pagtatago ng mga kabayo (1978:72). Kanya ring ipinakita sa ebidensiyang arkeolohikal na ang Jericho ay matagal nang bumagsak bago pa ang sinasabing panahon ng pagdating ni Josue. Ang konklusyong ito ay sumasalungat sa mga salaysay ng Aklat ni Josue. Dahil dito, ang akda ni Kenyon ay ginamit upang suportahan ang Biblikal na Minimalismo na paaralan ng arkeolohiya na naniniwalang ang karamihan sa mga kuwento sa Bibliya ay hindi historikal.
Ang legasiya ni Kenyon sa larangan ng mga paraang paghuhukay at paraang seramiko ay pinatunayan ni Larry G. Herr na isa sa mga direktor ng Madaba Plains Project. Kanyang direktang itinuro kay Kenyon ang mga pangunahing pangyayari (pagkatapos ng mga pagsulong na ginawa ni William F. Albright sa Tell Beit Mirsim noong mga 1920) na nagdala ng modernong pang-unawa sa paso (pottery) ng katimugang Levant:
"The first event was the refinement of stratigraphic techniques that Kathleen Kenyon's dig at Jericho catalyzed. The strict separation of earth layers, or archaeological sediments, also allowed the strict separation of ceramic assemblages".[2]
Ang unang pangyayari ang pagpipino ng mga paraang stratigrapiko na pinasimulan ng pahuhukay ni Kenyon sa Jericho. Ang mahigpit na paghihiwalay ng mga patong ng lupa o mga sedimentong arkeolohikal ay pumayag rin sa mahigpit na paghihiwalay ng mga pagtitipon na seramiko.
Natukoy ni Herr ang makapangyarihang hindi direktang impluwensiya ni Kenyon sa ikalawang pangyayari na nagtagayuod ng pagsulong sa loob ng paraang seramiko na:
"...the importation of Kenyon's digging techniques by Larry Toombs and Joe Callaway to Ernest Wright's project at Balata. Here, they combined Wright's interest in ceramic typology in the best Albright tradition with Kenyon's methods of excavation, which allowed the isolation of clear, stratigraphically determined pottery assemblages".[2]
ang importasyon ng mga paraang paghuhukay ni Kenyon nina Larry Toombs at Joe Callaway hanggang sa proyekto ni Ernest Wright sa Balata. Dito, kanilang pinagsama ang interes ni Wright sa tipolohiyang seramiko sa pinakamahusay na tradisyong Albright sa mga paraan ni Kenyon ng paghuhukay na pumayag sa paghihiwalay ng maliwanag na natukoy sa pamamagitan ng stratigrapiya ng mga pagtitipong pampaso.
Mula 1948 hanggang 1962, si Kenyon ay nagturo ng Arkeolohiyang Levantine sa Institute of Archaeology, University College London. Ang pagtutuo ni Kenyon na ay sinamahan ng kanyang mga paghuhukay sa Jericho at Jerusalem. Noong 1962, siya ay hinirang na Prinsipal ng St Hugh's College, Oxford.[1]
Mga gantimpala at komemorasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang British School of Archaeology sa Jerusalem, na isinama sa Council for British Research in the Levant (CBRL) noong 1998, ay opisyal na muling pinangalanan na Kenyon Institute noong 10 Hulyo 2003 bilang pagpaparangal kay Kathleen Kenyon. Sa kanyang pagreretiro mula sa Oxford noong 1973, siya ay hinirang na DBE.[1]
Mga publikasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1942 The Buildings at Samaria, [Samaria-Sebaste I], London, 1942 (co-authored with Crowfoot, J.W. & Sukenik, E.L.)
- 1948 Excavations at the Jewry Wall Site, [Reports of the Research Committee of the Society of Antiquaries of London 15], Leicester, London : Society of Antiquaries, 1948.
- 1949 Guide to Wroxeter Roman City, London, 1949.
- 1951 "Some Notes on the History of Jericho in the Second Millennium B.C.", PEQ 83 (1951), 101-138.
- 1952 Beginning in Archaeology, London, 1952.
- 1952 "Early Jericho", Antiquity 26 (1952), 116-122.
- 1953 Beginning in Archaeology, second edition, London, 1953.
- 1954 Guide to Ancient Jericho, Jerusalem, 1954.
- 1957 Digging Up Jericho, London, 1957. (also published in Dutch, Hebrew, Italian, Spanish and Swedish editions).
- 1957 The Objects from Samaria, [Samaria-Sebaste III], London, 1957 (co-authored with Crowfoot), J.W. & Crowfoot, G.M.
- 1958 "Some Notes on the Early and Middle Bronze Age Strata of Megiddo", Eretz Israel 5 (1958), pp. 51–60.
- 1959 Excavations at Southwark, [Research Papers of Surrey Archaeological Society 5], 1959.
- 1960 Archaeology in the Holy Land, first edition, London, 1960.
- 1960 Excavations at Jericho - Volume I Tombs Excavated in 1952–4, London 1960.
- 1961 Beginning in Archaeology, revised edition, London, 1961.
- 1965 Archaeology in the Holy Land, second edition, London, 1965.
- 1965 Excavations at Jericho - Volume II Tombs Excavated in 1955–8, London, 1965.
- 1965, "British Archaeology Abroad - Jerusalem", Antiquity 39 (1965), 36-37.
- 1966 Amorites and Canaanites, (Schweich Lectures Series, 1963), London : Published for the British Academy by Oxford *University Press, 1966.
- 1966 "Excavations in Jerusalem, 1965", PEQ (1966), 73-88.
- 1967 Jerusalem - Excavating 3000 Years of History, [New Aspects of Antiquity], London, 1967 (also published in a German edition).
- 1969 "Middle and Late Bronze Age Strata at Megiddo", Levant 1 (1969), pp. 25–60.
- 1970 Archaeology in the Holy Land, third edition, 1970 (also published in Dutch, Danish, German, Spanish and Swedish editions).
- 1971 Royal Cities of the Old Testament, London, 1971.
- 1971 "An Essay on Archaeological Technique: the Publication of Results from the Excavation of a Tell", Harvard Theological Review 64 (1971), 271-279.
- 1974 Digging up Jerusalem, London : Benn, 1974.
- 1974 "Tombs of the Intermediate Early Bronze - Middle Bronze Age at Tel 'Ajjul", in Stewart, J.R. (ed.), Tell el Ajjul - the Middle Bronze Age Remains, [App. 2. Studies in Mediterranean Archaeology], Göteborg, 1974, 76-85.
- 1978 The Bible and recent archaeology, London : British Museum Publications Ltd, 1978.
See also
[baguhin | baguhin ang wikitext]References
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karagdagang babasahin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Callaway, Joseph A. (1979), "Dame Kathleen Kenyon, 1906 -1978", The Biblical Archaeologist 42.2 (1979), pp. 122–125.
- Davis, Miriam (2008), Dame Kathleen Kenyon: Digging Up the Holy Land, Walnut Creek (CA), Left Coast Press, 304 pp.
- Dever, William G. (1978), "Kathleen Kenyon (1906–1978): A Tribute", BASOR 232 (1978), pp. 3–4.
- Herr, Larry G. (2002), "W.F. Albright and the History of Pottery in Palestine", NEA 65.1 (2002), pp. 51–55.
- Kenrick, Philip M. (1986), Excavations at Sabratha, 1948-1951: a Report on the Excavations conducted by Kathleen Kenyon and John Ward-Perkins, (Journal of Roman Studies Monographs 2), London: Society for the Promotion of Roman Studies, 1986.
- Lönnqvist, Minna (2008) "Kathleen M. Kenyon 1906–1978, A hundred years after her birth,The formative years of a female archaeologist: From socio-politics to the stratigraphical method and the radiocarbon revolution in archaeology," in Proceedings of the 5th International Congress on the Archaeology of the Ancient Near East, Madrid, Abril 3–8, 2006, ed. by Joaquín Mª Córdoba, Miquel Molist, Mª Carmen Pérez, Isabel Rubio, Sergio Martínez, UAM Ediciones: Madrid 2008, Vol. II, pp. 379–414.
- Moorey, P. Roger S. and Parr, Peter (eds) (1978), Archaeology in the Levant - Essays for Kathleen Kenyon, Aris & Phillips, 1978.
- Steiner, Margreet L. (2001), Excavations by Kathleen M. Kenyon in Jerusalem 1961–1967, Volume III—The Settlement in the Bronze and Iron Ages, London: Sheffield Academic Press, 2001.
- Paul James Cowie. Archaeowiki: Kathleen Kenyon Naka-arkibo 2007-10-22 sa Wayback Machine.