Pumunta sa nilalaman

Kelly Osbourne

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kelly Osbourne
Kapanganakan27 Oktubre 1984
  • (Lungsod ng Westminster, Kalakhang Londres, London, Inglatera)
MamamayanUnited Kingdom
Trabahoartista, mang-aawit-manunulat, fashion designer, host sa telebisyon, artista sa pelikula

Si Kelly Michelle Lee Osbourne ay ipinanganak noong 27 Oktubre 1984 sa Londres, Ingglatera. Siya ay anak ng rock legend na si Ozzy Osbourne at ang asawa nitong si Sharon Osbourne. Siya ang kapatid nina Aimee Osbourne at Jack Osbourne, at kapatid naman sa ama nina Jessica Osbourne at Louis Osbourne, pawang mga anak ni Ozzy sa kaniyang unang asawa.

Kilala si Osbourne sa kaniyang kakaiba at kapansin-pansing pananamit. Siya ay kabilang sa isang grupo ng mga kabataang performers sa unang bahagi ng decada 2000 na siyang bumago at muling bumuhay sa tinatawag na soft-core punk scene. Ang kanilang pagtatambal ng mga kasuotang pseudo-punk sa pag-uugaling anti-authoritarian (katulad sa persona ni Cyndi Lauper noong decada '80) ay tila nagpakita ng pag-usad mula sa dominasyon ng purong musikang pop patungo sa interes sa rock and roll. Unang napansin si Osbourne sa The Osbournes, isang makatotohanang seryeng pantelebisyon o reality TV series tungkol sa kaniyang sikat na familia. Siya ay mabuting kaibigan ni Avril Lavigne.

Ang kaniyang kauna-unahang album na Shut Up! ay inilabas noong taong 2002 at umani ng katamtamang tagumpay sa mercado, sa tulong na rin ng revival sikat na awitin ni Madonna na Papa Don't Preach. Naging maganda rin ang pagtanggap ng mga kritiko sa naturang album. Kamalaunan ay nakipagtambalan siya sa kaniyang ama para sa isang duet ng "Changes," na isa sa mga kanta ng Black Sabbath. Ang duet na ito ay pumalo sa numero uno ng charts sa Reino Unido (UK). Muling inilabas ang Shut Up! kasama ang naturang duet at ilang mga awiting live bilang Changes. Hindi tumaas ang benta ng album, gayunpaman.

May karamihan ang tato ni Kelly: isang puso sa kaniyang hinliliit, isang bituin sa kaniyang batok, mga pakpak ng isang anghel sa shoulder blades, isang puso sa balakang, bungo at crossbones sa parehong paa, isang ancla sa braso, pares ng kandado at susi sa braso, isang bituin sa kaniyang muñeca, at "Jack" na nakasulat ng kabit-kabit sa muñeca sa ilalim ng palad.

Noong 4 Abril 2004, inamin ng kaniyang mga magulang ang pagpasok ni Kelly sa isang rehabilitation center para labanan ang kaniyang adiiksyon sa pain killers.

Kasalukuyan siyang naninirahan sa Vancouver at kabilang sa Life As We Know It, isang dramang pangkabataan ng ABC, na kamakailan lamang ay na-cancel.

Natapos na ni Osbourne ang kaniyang ikalawang studio album, na pinamagatang Sleeping in the Nothing. Kabilang ang tinitingalang songwriter at dating popstar na si Linda Perry sa pagsulat ng album.

Ipinapakita ng Sleeping in the Nothing ang transisyon ni Osbourne mula sa rock patungo sa robotic pop ng decada '80. Ang unang single mula sa album ay, "One Word," na agad umani ng mainit na pagtanggap mula sa publiko sa America, at kasalukuyang nasa numero 7 ngBillboard dance charts (week commencing 12th April 2005).

Pinaniniwalaan ding siya ay fan ng Scissor Sisters.

Mga Solo album

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://sg.news.yahoo.com/kelly-osbourne-lady-gaga-39-hypocrite-39-003000635.html.