Kharkiv Polytechnic Institute

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Brown, three-story building with arched windows and trees in front
Pangunahing akademikong gusali

Ang Pambansang Pamantasang Teknikal ng " Kharkiv Polytechnic Institute " (NTU "KhPI") (Ukranyo: Національний технічний університет "Харківський політехнічний інститут"), sa lungsod ng Kharkiv, ay ang pinakamalaki at pinakamatandang pamantasang teknikal sa silangang Ukraine. Itinatag noong 1885, ito ang ikalawang pinakamatandang pamantasang teknikal sa dating Imperyong Ruso (kasunod ng Saint Petersburg State Institute of Technology) at sa teritoryo ng modernong Ukraine (pagkatapos ng Lviv Polytechnic).