Pumunta sa nilalaman

Kikil

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga kikil na may magkakapantay na mga ngipin.
Isang pangkikil na pangalot.

Ang kikil (Ingles: file[1] o hand-file) ay isang uri ng kagamitang pangkamay na ginagamit na panghubog sa isang bagay sa pamamagitan ng paghiwa. Karaniwan itong isang bareta o halang ng bakal na napapaligiran ng magkakasunod na mga talim at magkakapantay at tuwid na mga usli o "ngipin". Kalimitan itong mayroon isang bahagi na nalalagyan ng hawakan na matatanganan ng kamay. May isang uri ng pangkikil, pangkinis, pangkiskis na may mas malalaki, nakaangat, at hindi magkakapantay na mga ngipin o tulis, at tinatawag na pangalot o rasp[1] sa Ingles. Mas magaspang ang nagiging resulta kapag ginagamit ang pangalot.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. File - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.