Pumunta sa nilalaman

Kilay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mata (ibaba) at kilay (itaas).

Ang kilay ay isang lugar ng makapal na buhok sa ibabaw ng balat sa ibabaw ng mata na sumusunod sa hugis ng supraorbital foramen o mga nakaumbok na gilid ng kilay.

Ang hindi pagkakaroon ng panunubig, karaniwang maalat na pawis at ulan, na maaaring dumaloy patungo sa mata (isang organo na mahalaga para makakita) ang pinakapangunahing gamit ng mga kilay. Karaniwang pakurbada ang hugis ng kilay (na may pagkakahilig sa isang gilid) at patungo sa direksiyon kung saan nakatulis ang mga buhok ng kilay para masigurong ang panunubig ay tutulo pagilid sa labas ng mata, daraan sa gilid ng ulo at ng ilong. Maaari rin maging isang sumusuportang bahagi sa prosesong nabanggit ang di-gasinong pagkaka-umbok ng gilid ng mga kilay. Kasama ang mga kilay, ang gilid ng kilay din ang nakapagsasanggalang sa mga mata mula sa sikat ng araw.

Napipigilan din ng mga kilay ang pagkakahulog patungo sa mga mata ang mga duming nakapupuwing katulad ng balakubak at iba pang mga maliliit na mga bagay, at maging ang pagbibigay ng mas sensitibong pagdama ng mga bagay na nalalapit sa mata, katulad ng mga maliliit na mga insekto.

Mayroon ding mahalagang nakapagpapadaloy na gamit ang mga kilay sa larangan ng pakikipag-ugnayan: ang pagpapalakas ng mga ekspresyon tulad ng pagka-gulat o pagiging galit. Sa mga kultura sa Afrika, ginagamit ang pagtataas at pagbababa ng mga kilay bilang tugon ng pagpayag na katumbas ng aksiyong pagtango.

Pagbabago ng hitsura ng kilay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Butas na kilay na may hikaw.

Karaniwan sa mga tao na bunutin ang kanilang mga kilay upang mapanitili ang isang malinis at katanggap-tanggap na usong hitsura na isinasagawa sa pamamagitan ng mga tweezer at waxing. Naging sikat din ang metodong threading o paggamit ng mga sinulid sa pag-aayos at pagpapaganda ng mga kilay, dahil sa hindi nito hinihila ang balat. Dahil sa pagiging sensitibo ng lugar sa paligid ng mata, maaaring maging masakit sa loob ngilang segundo o minuto ang mga metodong ginagamit, subalit kadalan namang nawawala ang sakit sa kalaunan dahil sa pagkasanay ng tao sa sensasyon.

May ilang taong pinipiling butasan ang kanilang mga kilay para lagyan ng hikaw.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]