Hikaw

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Para sa ibang gamit, tingnan ang Balantok (paglilinaw).

Ang hikaw ay isang uri ng alahas na ikinakabit sa ginawang butas sa paypay o pingol o anumang panlabas na bahagi ng tainga. Tinatawag din itong arilyos o aretes. Tinagurian namang binantok o binalantok ang hikaw na panse (mababa ang uri o peke).[1] Karaniwan itong may katumbas na pakaw upang hindi matanggal sa pagkakakabit. Subalit mayroong mga uri ng hikaw na iniipit lamang sa paypay ng tainga or pinagsasama gamit ang batubalani. Kapwa nagsusuot ang mga lalaki at mga babae ng hikaw, maaaring pares, isa lamang o tatlo at higit pang bilang. Isang halimbawa ng pagsusuot ng isang hikaw lamang ang dibuho ni Vermeer na Dalagitang may Hikaw na Perlas. Sa Aklat ng Henesis (Henesis 35:4), ayon kay Jose Abriol, na minsang ginagamit ang mga hikaw bilang mga anting-anting, partikular na ang yaong naniniwala sa mga terapim o diyus-diyosan.[2]

Mga Uri ng Hikaw[baguhin | baguhin ang batayan]

Mayroong butas[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Hikaw sa Tainga (Ingles: Ear Piercing)
  2. Hikaw sa Ilong (Ingles: Nose Piercing)
  3. Hikaw sa Kilay (Ingles: Eyebrow Piercing)
  4. Hikaw sa Dila (Ingles: Tongue Piercing)
  5. Hikaw sa Utong (Ingles: Nipple Piercing)
  6. Hikaw sa Pusod (Ingles: Belly Button Piercing)

Walang butas[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Hikaw sa Tainga (Ingles: Ear Magnet Piercing)

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gaboy, Luciano L. Earring, hikaw, arilyos, aretes, binantok; fancy - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Mga hikaw". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 59.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.