Pumunta sa nilalaman

Kilt

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang kilt

Ang kilt (Gaelico Escoces: fèileadh) ay isang uri ng sayang abot tuhod ang laki at isinusuot ng mga kalalakihang Eskoses. Ito ay tradisyunal na kasuotan ng kalalakihang Gaelic at kalalakihan sa Eskosya. Nagmula ito sa Great Kilt noong ika-15 na siglo. Ito ay iniuugnay sa Kultura ng Scotland at sa Kulturang Celtic. Ito ay gawa sa lana o wool sa Ingles na may disenyong tartan.

Mga sundalong Eskoses sa Germany noong 1630

Ang kilt ay nagmula noong ika-16 na siglo, dati itong isinusuot bilang buong kasuotan ng mga kalalakihang Geliko sa hilagang Eskosya. Tinatawag itong leine (salitang Gelikong ibig sabihin ay shirt), ang kasuotang ito ay binabalot sa ibabaw ng balikat. Ang pagsuot ng kilt ay naging pagkaraniwan noong 1720's, noong ginamit ng British military ito bilang ang kanilang uniporme. Ang kilt na umaabot hanggang sa tuhod tulad ng kilt na moderno, ay hindi lumaganap hanggang sa huling bahagi ng ika-17 na siglo, at sa maagang bahagi ng ika-18 na siglo.

Ang maagang bersiyon ng Scottish kilts ay ginagawa ng mga tela na may kulay tulad ng: puti, kayumanggi, luntian, o itim tutol sa maraming kulay o tartan na sikat ngayon. Dahil sa paglaganap ng teknolohiya ng pagkukulay at paghahabi sa huling bahagi ng 1800's, ang tartan ay yumabong, at ang disenyong ito ay naging taal sa Eskosya.

Ang great kilt at ang belted plaid ay sumanga mula sa balot na tartan, noong naging sikat na uri ng pananamit ang balot na lana (woolen wrap), at plaid. Ang kasuotan na sinusuot sa ibaba ng baywang ay naging belted plaid. Itinawag ito sa wikang Geliko bilang feileadh-mor ibig sabihin ay great wrap o malaking balot, o breacan-an-feileadh ibig sabihin tartan wrap . Ang belted plaid ay sumikat sa kalalakihan ng Highlands noong ika-17 na siglo. Noong 1822 ito ay isinusuot sa mga okasyon laban sa kasuotang pang araw-araw. Ang pangbabaeng bersiyon nito ay tawag na arisaid, na umaabot hanggang sa bukong-bukong gawa sa puting tartan.

Noong gitnang bahagi ng ika-17 siglo ang maliit na kilt o tawag sa wikang Geliko na phillabeg o feileadh, ibig sabihin ay maliit na balot ay lumaganap. Ang maliit na kilt ay ang pangibabang bahagi ng great kilt na nangaling noong ika-16 na siglo, na belted plaid na hindi tinahi. Ang kasuotan ay pinagtitipon sa tiklop at nilagyan ng sintron sa baywang at umaabot sa taas ng tuhod, na may ilang pulgada ng tela umaabot sa itaas ng sintron. Mayroong hiwalay na sukat ng tela na isinusuot sa ibabaw ng mga balikat para sa proteksyon at para sa init.

Ang philabeg ay lumaganap sa unang bahagi ng ika-17 na siglo sa hilaga at sentral na bahagi ng Eskosya. Ngunit isang pagsiskap upang sugpuin ang kultura ng Highlands. Si Haring George II ay ipinataw ang Dress Act of 1746, na ginawang ilegal sa mga rehimyentong Highland na magsuot ng mga kasuotan na kahawig ng Highland Dress pati na rin ang kilt. Ang mga kalaban ni Haring George II ay nagbabanta na palitan siya sa paraan ng pagpapadala ng hukbong Jacobite. Sa takot ginamit niya ang pagbabawal ng kit sa mga hukbong Highlanders upang makita niyakung sino ang sumusuporta sa mga Jacobite upang alisin sila.

Ngunit ang phillabeg kilt ay nanatiling kasuotan ng mga nagrerebelde sa pagbabawal ng Pamahalaang Ingles. Ang pagbabawal ay inalis noong 1782, parehas na panahon noong naging simbolo ng kultura ng Eskosya ang kilt, at ang tradisyunal na kilt ay nagbigay daan sa paggawa ng kilt mula sa tartan, na kumakatawan sa partikular na pamilya, rehiyon o bansa.[1]

Kilt na may Sporran

Ang pangalang kilt ay ginagamit sa malawak na bilang ng mga pananamit

  • Isang tradisyunal na pananamit,kahit lumang bersyon o modernong bersyon sa Eskosya, na may disyeno ng tartan.
  • Ang mga kilts na isinusuot ng mga Irish pipe bands, na dating nakabase sa kilt sa Scotland, ngunit ngayon ay iisang kulay na lamang.
  • Mga baryante ng Scottish kilts na hiniram ng ibang Celtic Nations, tulad ng Welsh cilt, at Cornish cilt

Eskosya

Disenyo at konstruksyon

Ang Scottish kilt ay nagpapakita ng natatanging disenyo, konstruksyon, kombensyon, na nagpapaiba nito sa ibang pananamit na sumasakto ang depinisyon. Isa itong pinasadyang damit na ibinabalot sa katawan, sa baywang at nagsisimula sa isang lugar (madalas sa kaliwa), palibot sa harapan, sa likod ,sa harapan ulit at nagtatapos sa kabilang bahagi. Ang mga pangkabit ay binubuo ng mga panali at hibilya sa magkabilang dulo, ang panali sa loob ay nagtatapos na dumadaan sa hiwa sa baywang bahagi ng kilt.

Ang kilt ay tinatakpan ang katawan mula sa baywang, hanggang tuhod. Ang mga bahaging nagooverlap sa harapan ay tinatawag na apron, at patag. Ang iisang patong o layer sa tabihan at likod ay pleated. Ang kilt pin ay kinabit sa harapang apron. Maaari ring magsuot ng damit panloob o maaari ring hindi, ang tradisyon ay nagsasabing ang tunay na lalaking eskoses ay walang isinusuot na panloob.[2] Ngunit ang Scottish Tartan Authority ay ipinagbabawal na ito ay parang bata at hindi pangkalinisan.[3]

Tela

Ang tipikal na kilt na nakikita sa Larong Highland ay gawa sa lana o wool. Ang paraan ng paghahabi na ginagamit sa mga kilt ay 2-2 type, na ang ibig sabihin ay ang bawat weft na sinulid ay dumadaan sa ibabaw ng dalawang warp na sinulid. Ito ay magreresulta sa diagonal weave pattern na ang tinatawag na twill line. Itong uri ng twill kapaghinabi ay tinatawag na tartan. Sa kaibahan sa kilt na isinusuot ng mga Irish na iisang kulay lang ang bumubuo sa buong kilt.

Ang mga timbang ng kilt ay sumasaklaw o nagrerange sa pinakamabigat na 510-620 grams at sa pinakamagaan na 280-310 grams. Ang mas mabigat ay ginagamit sa malamig na panahon at ang mas magaan ay ginagamit sa mainit na panahon at sa mga laro.

Mga Kagamitan

Ang sporran

Ang Scottish kilt ay madalas isinusuot kasama ang kilt hose, at ng sporran na parang lukbutan o purse na sumasabit mula sa baywang, ito ay maaaring itong payak, pinamulatian ng katad, balat ng dugong, o balahibo

Ibang kagamitan ay:

  • Sintron
  • Jacket
  • Kilt pin
  • Sgian-dubh
  • Ghille brogues
  • Ghille shirt

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]