Kimono
- Huwag itong ikalito sa damit ng babaeng Pilipinang kimona.
Ang kimono[1] (着物) ay isang uri ng tradisyonal na kasuotan sa Hapon.[2] Dating may ibig sabihing "bagay na isinusuot" ang salitang "kimono". Matagal nang panahon ang nakararaan, dating araw-araw na nagsusuot ng mga kimono ang mga tao sa Hapon. Daan-daang taon na ang tagal ng panahon ng pagsusuot ng mga Hapones ng Kimono. Sa ngayon, isinusuot lamang nila ang kimono kapag may natatanging mga okasyon katulad ng mga seremonyang pormal. Mas maraming mga kababaihang Hapones ang nagsusuot ng kimono.
Parang isang uri ng bata o roba (balabal) ngunit kahugis ng titik na T. Umaabot ang mga kimono sa mga sakong, at mayroong napakahabang mga manggas. Karaniwang may makukulay na mga disenyong bulaklak, paru-paro, at iba pa ang mga kimonong pambabae. Nagsusuot ang mga taong nakakimono ng malapad na sinturong tinatawag na obi, na pambigkis na makukulay. Bilang dagdag sa pangkababaihang mga kimono, magkakapareho ang sukat ng mga ito. Itinutupi nila ang mga ito at ipinaparagan upang maging tama ang sukat para sa taong nagsusuot. Pinapasadya ang mga kimonong pangmatataas o pangmalalaking mga tao. Ang mga panlalaking kimono ay binubuo ng haori (pang-itaas) at ng hakama (maluwag na pantalon).
Mayroong iba't ibang uri ng pormal at pangkasuwal na mga kimono. Kalimitang yari sila mula sa sutla, ngunti mayroon ding gawa mula sa bulak at polyester. Napakamahal ng halaga o presyo ng mga kimono. Maaaring magkahalaga ng mahigit sa US$10,000 ang isang kimono. Napakamahal din ng presyo ng sinturong obi. May ilang mga taong tumatahi ng sarili nilang mga kimono, o bumibili na nang nagamit na ng iba.
Sa Hapon, maaaring mag-aral ang mga tao upang matutunan kung paano ang tamang pagsusuot ng kimono, at upang malaman ang kung paano pumili ng kimono, kasama ang kung paano itinatali ang sinturong obi. Karamihan sa mga babaeng Hapones ang hindi sanay o marunong magsuot ng kimono ng walang katulong dahil napakahirap gawin nito. May ilang mga taong naghahanapbuhay bilang "tagapagsuot ng kimono" sa isang tao, upang tumulong sa ganitong sining ng pagdaramit.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Kimono". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 333. - ↑ Gaboy, Luciano L. Kimono - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasuotan, Kalinangan at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.