Kipot ng Calais
Itsura
Ang Kipot ng Calais o Kipot ng Dover (Ingles: Strait of Dover; Pranses: Pas de Calais) ay ang pinakamakipot na bahagi ng Bambang ng Inglatera. Ang pinakamaliit na awang sa kipot ay sa pagitan ng Timog Foreland (bandang Dover) sa Inglatera at Cap Gris Nez (bandang Calais) sa Pransiya. Ang pagitan ng dalawang baybaying ito ay pinakasikat na daang nilalangoy ng mga cross-channel swimmers dahil ang kalayuan ay umaabot lamang sa 34 kilometro.[1]
Kapag maaliwalas ang panahon, maaaring makita ang kabilang baybay[2] kahit walang telekopyo, at ang ilaw ng mga gusali sa gabi.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "English Channel". The Cambridge Paperback Encyclopedia, 1999.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-08-22. Nakuha noong 2011-02-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.