Kisapmata (pelikula)
Kisapmata | |
---|---|
Direktor | Mike De Leon |
Prinodyus | Rolando Atienza |
Sumulat | Clodualdo Del Mundo Raquel Villavicencio Mike De Leon |
Itinatampok sina | Vic Silayan Charito Solis Charo Santos Jay Ilagan |
Musika | Lorrie Ilustre |
Sinematograpiya | Rody Lacap |
In-edit ni | Jess Navarro |
Tagapamahagi | Korporasyong Bancom Ausiovision |
Inilabas noong | 25 Disyembre 1981 |
Haba | 90 minuto |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Ang Kisapmata ay isang pelikulang drama na nilikha sa direksiyon ni Mike De Leon noong 1981. Ito ay nakakasagpang na salaysay tungkol sa pagtatalik na ugnayan ng isang ama sa kanyang anak na babae na nauwi sa kalunus-lunos na pangyayari.[1]
Ang pelikulang ito ay hinango sa The House on Zapote Street (Ang Bahay sa Daang Zapote) na sinulat ni Nick Joaquin, na isa sa mga tampok na lathalain na inipon sa kanyang 1977 aklat na Reportage on Crime (Pagbabalita sa Krimen). Ang unang pangunahing trato ng pagtatalik ng mga kamag-anak sa isang pelikula Pelikulang Pilipino, ito ay may napamunang tagumpay at malakas sa takilya.[1]
Mga tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:
Mga nagsiganap | Ginampanan bilang |
---|---|
Vic Silayan | Sgt. Diosdado Carandang |
Charito Solis | Adelina Carandang |
Charo Santos | Milagros Carandang |
Jay Ilagan | Noel Manalansan |
Ruben Rustia | Peping Manalansan |
Aida Carmona | Onyang |
Juan Rodrigo | Ernie |
Cora Alforja | Cynthia |
Dindo Angeles | Mario |
Edwin O'Hara | Pulis 1 |
Mandy Bustamante | Pulis 2 |
Mely Mallari | Diomy |
Monette Alfon | Kasera |
Teresita Sanchez | Dra. Trinidad |
Buod ng pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Dadong Carandang (Silayan), isang retiradong opisyal na pulis, ay napakapangabig sa kanyang anak na si Mila (Santos), na hindi siya pinapayagan ng kanyang ama na tumanggap ng mga sinumang manliligaw. Bagama't nagalit sa pahayag ni Mila ng kanyang pagbubuntis, pinayagan ni Dadong na magpakasal siya kay Noel Manalansan (Ilagan) pagkatapos makamit ang kanyang mga di-makatuwirang hiling ukol sa isang pasalap. Nakiusap si Dadong kina Mila at Noel na magpalipas ang kanilang gabing-kasal at mga araw kapagkuwan sa bahay ng mga Carandang, sa dahilan na maysakit si Aling Dely (Solis), ina ni Mila. Pauwi nang pabalik sa malalim na gabi, sinarhan si Noel ng bahay. Namumuhi, sumuong siya kay Dadong sa sumunod na araw subali't umalis na lamang na hindi kasama si Mila, na nasindakan upang pumirmi. Sinubukan ni Noel na tumawag kay Mila nguni't ang kanyang mga pagsusumikap ay binigo ng kanyang biyenan. Nagbalak si Mila na tumakas subali't pinigilan siya ng kanyang ina. Sinariwa ang alaala ni Mila na siya ay inuulit na ginagahasa ng kanyang ama. Sa huli, nilangan ni Mila si Dadong at nangasiwa sa pagtakas.
Sa sasal ng pagngangalit, nagwala si Dadong sa bahay ng mga Manalansan. Umuwi siyang nagpupuyos sa galit dahil nagtanan ang mag-asawa. Nagbanta siya na papatayin niya ang kanyang asawa na si Dely kung hindi niya ibabalik si Mila. Takot na takot, nakiusap si Dely sa ama ni Noel na kausapin si Dadong. Isang Dadong na malinaw na humihingi ng paumanhin ay hinimok ang ama ni Noel na pabalikin ang bagong kasal sa Maynila. Nang bumalik sina Mila at Noel sa bahay ng mga Manalansan, nag-udyok si Dadong na umuwi na sa kanila, nagsasabing ang kanyang ina ay muling nagkasakit. Umuwi si Mila kasama si Noel, nguni't upang mag-impaki lamang ng kanyang mga gamit. Nakiusap si Dadong sa kanyang anak na manatiling tumahan, subali't nagpasiya na siya na iiwan na niya ang tahanan. Nagdili-dili, na may malamig na kawalaan ng pag-asa, nilabas ang baril at pinatay niya ang kanyang asawa, si Noel, si Mila at ang huli, ang kanyang sarili.[1]
Mga gawad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gawad FAMAS
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Charito Solis |
Gawad Urian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor Vic Silayan Pinakamahusay na Sinematograpiya Rody Lacap Pinakamahusay na Musika Lorrie Ilustre Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon Cesar Hernando Pinakamahusay na Tunog Ramon Reyes Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Jay Ilagan Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Charito Solis | ||
Pinakamahusay na Direksiyon Mike De Leon Pinakamahusay na Editing Jess Navarro Pinakamahusay na Dulang Pampelikula Clodualdo Del Mundo Jr. Raquel Villavicencio Mike De Leon Pinakamahusay na Pelikula |
Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor Vic Silayan Pinakamahusay na Direksiyon Mike De Leon Pinakamahusay na Editing Jess Navarro Pinakamahusay na Dulang Pampelikula Clodualdo Del Mundo Jr. Raquel Villavicencio Mike De Leon Pinakamahusay na Kuwento Clodualdo Del Mundo Jr. Raquel Villavicencio Mike De Leon Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Jay Ilagan Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Charito Solis Pinakamahusay na Pelikula |