Pumunta sa nilalaman

Kitáb-i-Aqdas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Kitáb-i-Aqdas o Aqdas ay isang sentral na aklat ng Pananampalatayang Bahá'í na isinulat ni Bahá'u'lláh na tagapagtatag ng relihiyong ito. Ang kasulatang ito ay isinulat sa Arabiko sa ilalim ng pamagat na al-Kitābu l-Aqdas (Arabe: الكتاب الأقدس‎) ngunit karaniwang tinutukoy sa pamagat na Persa (Persian) nitong Kitáb-i-Aqdas (Persa: كتاب اقدس‎) na ibinigay mismo ni Bahá'u'lláh. Ito ay minsang tinatawag na "Ang Pinaka-Banal na Aklat", "Ang Aklat ng mga Batas" o "Aklat ng Aqdas". Ang salitang Aqdas ay may kahalagahan sa maraming mga wika bilang superlatibong anyo ng isang salita na may mga pangunahing titik na Q-D-Š. Ito ay sinasabing nakumpleto noong mga 1873 bagaman may ebidensiya na ang ilan sa mga kasulatan ay isinulat nang mas maaga.[1] Ipinadala ni Bahá'u'lláh ang mga kopyang manuskrito nito sa mga Bahá'ís sa Iran ng mga ilang taon pagkatapos ng pahayag ng Kitáb-i-Aqdas, at noong 1890–91 (1308 AH, 47 BE) ay ipinalimbag ang publikasyon ng orihinal na tekstong Arabiko sa Bombay, India. Ang Aqdas ay tinutukoy na "Inang Aklat" ng mga katuruang Bahá'í at ang "Karta ng hinaharap na mundong kabihasnan" .[2] Gayunpaman, ito ay hindi lamang isang "aklat ng mga batas". Ang karamihan sa mga nilalaman nito ay nauukol sa ibang mga bagay kabilang ang mga paghikayat na etikal at pagpapatungkol sa iba't ibang mga indibidwal, mga pangkat at mga lugar. Ito ay tumatalakay rin sa mga administratibong institusyon ng Bahá'í, mga kasanayang Bahá'í, mga batas ng katayuang personal, kriminal na batas, mga prinsipyong panlipunan, mga abrogasyon at mga hula.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Walbridge, John (1999). "Kitab-i Aqdas, the Most Holy Book". Bahá'í Library. Nakuha noong 29 Abril 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Effendi 1944, pp. 213