Báb
Si Siyyid `Alí Muḥammad Shírází (Persa: سيد علی محمد شیرازی) (20 Oktubre 1819 – 9 Hulyo 1850) ay ang nagtatag ng Bábismo, at isa sa tatlong pangunahing pigura sa Pananampalatayang Bahá'í. Isa siyang mangangalakal mula sa Shíráz, Persiya, na nagpahayag, sa gulang na dalawampu't-apat (noong 23 Mayo 1844), na siya ang pinangakong Qá'im (o Mahdi). Pagkatapos ng pagpapahayag na ito, kinuha niya ang titulong Báb (Arabe: باب) nangangahulugang "Tarangkahan". Binubuo ng ilang daang mga sulat at mga aklat (kadalasang tinatawag na mga tableta) na kanyang sinabi ang mga pag-angking mesiyaniko at binigyan kahulugan ang mga pagtuturo, na binubuo ng isang bagong sharí'ah o batas pang-relihiyon. Sa kalaunan, nakakuha ng mga libo-libong mga tagasuporta, na nakakapinsalang nilabanan ng mga klerikong Shi'a sa Iran, at sinugpo ng pamahalaang Iran na nagdulot sa libo-libong mga tagasunod, tinatawag na Bábís, na usigin at patayin. Noong 1850, binaril si Báb sa isang grupo ng nagpapaputok sa Tabríz at nasawi sa gulang na tatlumpu.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.