Klasikong lohika
Itsura
Ang klasikong lohika ay tumutukoy sa isang klase ng mga lohikang pormal na pinakaintensibong pinag-aralan at pinakamalawakang ginagamit. Ang klase ay minsan ring tinatawag na pamantayang lohika. [1][2] Ang mga ito ay inilalarawan ng isang bilang ng mga katangian:[3]
- Batas ng hindi isinamang gitna at dobleng negatibong eliminasyon
- Batas ng kawalang kontradiksiyon at prinsipyo ng pagsabog
- Monotonisidad ng kalalabasan at idempotensiya ng kalalabasan
- Komutatibidad ng konhunksiyon
- Dualidad na de Morgan: ang bawat operador na lohika ay dula sa isa pa
Mga halimbawa ng mga klasikong lohika
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang Organon ni Aristotle ay nagpapakilala ng kanyang teoriya ng mga silogismo na isang lohikang nakalimita sa anyo ng mga hatol: ang mga asersiyon ay kumukuha ng isa sa mga apat na anyong, "Ang lahat ng mga P ay Q", "Ang ilang mga P ay Q", "Walang mga P ang Q" at "Ang ilang mga P ay hindi Q". Ang mga hatol na ito ay nakakahanap sa kanilang mga sarili kung ang dalawang mga pares ng dalawang mga dula na operator at ang bawat opetrador ay negasyon ng isa pa na mga relasyong binuod ni Aristotle sa kanyang Kwadrado ng oposisyon. Hayagang pinormula ni Aristotle ang batas ng hindi isinamang gitna at batas ng kawalang kontradiksiyon sa pangangatwiran ng kanyang sistema bagaman ang mga batas na ito ay hindi maihahayag bilang mga hatol sa loob ng balangkas na silohistiko.
- Ang alhebraikong muling pormulasyo ng lohika ni George Boole na kanyang sistema ng Lohikang Boolean;
- Ang lohikang unang order na matatagpuan sa Begriffsschrift ni Gottlob Frege.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Nicholas Bunnin; Jiyuan Yu (2004). The Blackwell dictionary of Western philosophy. Wiley-Blackwell. p. 266. ISBN 978-1-4051-0679-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ L. T. F. Gamut (1991). Logic, language, and meaning, Volume 1: Introduction to Logic. University of Chicago Press. pp. 156–157. ISBN 978-0-226-28085-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gabbay, Dov, (1994). 'Classical vs non-classical logic'. In D.M. Gabbay, C.J. Hogger, and J.A. Robinson, (Eds), Handbook of Logic in Artificial Intelligence and Logic Programming, volume 2, chapter 2.6. Oxford University Press.