Pumunta sa nilalaman

Kolesterol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang kemikal na istraktura ng kolesterol

Ang kolesterol, mula sa Sinaunang Griyegong chole- (apdo) at stereos (solido) na sinundan ng hulaping pangkemikal na -ol para sa isang alkohol, ay isang organikong molekula. Ito ay isang sterol (o binagong steroid), isang uri ng lipid sa molekula, at ibinibiosintesa ng lahat ng mga selula ng hayop, sapagkat ito ay isang mahalagang istraktural na bahagi ng lahat ng balamban ng hayop at ito ay mahalaga upang mapanatili ang parehas na katibayan ng istraktura ng balamban at pagkalikido. Ang kolesterol ay nagbibigay-daan sa mga selula ng hayop na gumana ng walang dingding panselula (na sa iba pang mga espesye ay nagpoprotekta sa katibayan ng balamban at posibilidad na mabuhay ng selula); pinapayagan nito ang mga selula ng hayop na baguhin ang hugis nang mabilis.

KimikaPagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.