Pumunta sa nilalaman

Europeong pananakop ng Kaamerikahan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kolonisasyon ng mga Amerika)

Ang Europeong pananakop ng mga Amerika o Europeong kolonisasyon ng mga Amerika ay isang katagang ginagamit ng maraming mga manunulat ng kasaysayan upang ilarawan ang pananakop o kolonisasyon at pagtatatag ng mga pamayanan ng Europeo sa Hilagang Amerika at Timog Amerika. Nagsimula ito sa pagkakatuklas ng Amerika ni Christopher Columbus (kilala rin bilang Cristobal Colon) noong 1492. Subalit noong mga 500 mga taon bago si Columbus, narating na ng mga Norse (mga Viking) ang Amerika noong bandang 1000 AD,[1] at ginawa nilang kolonya ang Vinland. Ngunit hindi sila nagpatuloy, at hindi rin nila ginalugad ang panloob na bahagi ng mga lupain sa Hilagang Amerika. Kung kaya't, sa diwang praktikal, ang kolonisasyon ng Amerika ay nagsimula sa pagdating ni Colombus. Si Columbus ang unang naglayag papuntang Amerika. Ang mga taong Kastila ang unang mga taong nagwagi ng maraming mga bahagi ng Timog at Gitnang Amerika. Nagwagi rin sila ng maraming mga bahagi sa Hilagang Amerika. Sa paglaon, nakarating din sa mga Amerika ang ibang mga taong nagbuhat sa maraming mga bansa ng Europa.

Pananakop sa Kaamerikahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kaugnay pa ng Hilagang Amerika, ang mga manggagalugad at mga Pranses na mangangalakal ng balat at balahibo ng mga hayop ang unang nanggalugad ng mga panloob na lupain ng Hilagang Amerika magmula noong dekada ng 1500. Noong 1534, naglayag ang Pranses na si Jacques Cartier (1491-1557) papataas sa Ilog ng San Lorenzo (St. Lawrence River), at nakatagpo ng lupang inangkin niya bilang "Bagong Pransiya" na kilala sa kasalukuyan bilang Canada. Nakipagkalakalan ang mga Pranses sa mga katutubong Indiyano. Kabilang sa mga mangangalakal na ito si Samuel de Champlain (1567-1635), ang nagtatag ng unang maliliit na mga pamayanan sa Quebec at Montreal. Nagbukas ang mga Pranses ng mga rutang pakanluran at patimog papunta sa lugar na nakikilala ngayon bilang ang Estados Unidos. Isa sa mga manggagalugad na ito ay si Robert de la Salle (1643-1687). Namangka at ginalugad ni de la Salle ang Malalaking mga Lawa (Great Lakes). Noong 1682, namangka si de la Salle pababa sa Ilog ng Mississippi at inangkin ang teritoryo ng Louisiana sa ilalim ng pangalan ni Louis XIV, ang hari noon ng Pransiya.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Which Europeans First Explored North America?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 114.


KasaysayanEuropa Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.