Komunikasyong interpersonal
Ang komunikasyong interpersonal ay isang uri ng komunikasyon dahil nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao. Isa ito sa mga pangunahing sangay ng pasalitang komunikasyon. Ang simpleng pakikipag-usap sa karaniwang tao at mag-anak ay mga halimbawa na ng komunikasyong interpersonal. Maaaring pasalita, di-pasalita, pasulat o pakikinig ang interpersonal na komunikasyon.
Maaaring sa pagitan ito ng dalawang tao o isang grupo. Sa interpersonal na komunikasyon, mayroong mananalita at tagapakinig at maaring parehong gampanan ito ng bawat kalahok o kasapi ng usapan. Ang interpersonal na komunikasyon ay pwedeng maganap ng harapan (face to face) o sa pagitan ng isang midyum o paraan (sa harap ng kompyuter at iba pa).
Mga halimbawa ng Talinong lnterpersonal o pakikipagkapwa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Komunikasyon ng dalawang tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito marahil ang pinakapayak ngunit pinakamadalas na komunikasyong interpersonal na kinalalahukan ng mga tao. Maaaring usapan ito sa pagitan ng magkaibigan, o kahit ang pagtatanong ng direksiyon ng isang tao ay isa na rin interpersonal na komunikasyon.
Panayam
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang panayam ay isang usapang pagtatanong sa pagitan ng dalawang tao. Maaaring ito ay malayang panayam kung saan nagtatanong at may sumasagot ng mga katanungang ito. Maaari ring ang dalawang panig ay walang binabasang kung ano man o may iskrip. Kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag ito para sa isang palabas o pahayagan upang mailathala.
Komunikasyon ng munting grupo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaaring maganap ito sa pagitan ng isang grupo. Maari itong maging isang simpleng kuwentuhan lamang ng isang grupo ng magkakaibigan o isang pormal na talakayan sa pagitan ng mga mag-aaral o maging lider ng mga bansa. Sinasabing mas kumplikado ang komunikasyong ito lalo na kapag pormal sa pagitan ng maraming tao dahil nangangailangan ito ng kooperasyon ng bawat miyembro. At dahil dito ay baka mas matagalan ang pagreresolba ng mga isyu at usaping tinatalakay.