Pumunta sa nilalaman

Kon-Tiki

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Kon-Tiki ay ang pangalan ng balsang ginamit ng Noruwegong pinunong manggagalugad at manunulat na si Thor Heyerdahl para sa kanyang ekspedisyon noong 1947 sa kahabaan ng Karagatang Pasipiko magmula sa Timog Amerika magpahanggang kapuluan ng Polinesya.[1] Kinuha ang pangalan ng balsang ito mula sa diyos ng araw na si Viracocha, na ang lumang ay "Kon-Tiki". Kon-Tiki rin ang pamagat ng aklat ni Heyerdahl at pati na rin ng isang nagantimpalaang pelikulang dokumentaryo na naglalahad ng mga pakikipagsapalaran ni Heyerdahl. Naniniwala si Heyerdahl na nakatawid ang mga tao ng Timog Amerika sa Pasipiko sa pamamagitan ng mga balsa noong libu-libong taon na ang nakararaan.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Did Ancient People Sail Across the Oceans?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Explorers and Pioneers, pahina 110.

Transportasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.