Thor Heyerdahl
Thor Heyerdahl | |
---|---|
Kapanganakan | 6 Oktubre 1914 Larvik, Noruwega |
Kamatayan | 18 Abril 2002 Colla Micheri, Italya | (edad 87)
Nasyonalidad | Noruwego |
Nagtapos | Pamantasan ng Oslo |
Karera sa agham | |
Larangan | Etnograpiya Pakikipagsapalaran |
Doctoral advisor | Kristine Bonnevie Hjalmar Broch |
Si Thor Heyerdahl (6 Oktubre 1914, Larvik, Noruwega – 18 Abril 2002, Colla Micheri, Italya) ay isang Noruwegong etnograpo at adbenturero na mayroong kaalaman sa soolohiya at heograpiya. Naging tanyag siya dahil sa kaniyang ekspedisyong Kon-Tiki, kung kailan naglayag siya ng 8,000 km (5,000 mi) sa pagtawid sa Karagatang Pasipiko habang nakasakay sa isang balsang siya ang may-gawa, magmula sa Timog Amerika hanggang sa Kapuluang Tuamotu noong 1947. Ang expedisyon ay idinisenyo upang ipamalas na ang sinaunang mga tao ay maaaring nakagawa ng malayuang mga paglalakbay sa dagat, na nakalikha ng mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng tila magkakahiwalay na mga kultura. Naiugnay ito sa isang modelong dipyusyonista ng pag-unlad ng kalinangan. Sa paglaon, gumawa pa si Heyerdahl ng iba pang mga paglalakbay na idinisenyo upang maipakita ang posibilidad ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng malawakang napaghiwalay na sinaunang mga tao. Naitalaga siya bilang iskolar ng pamahalaan noong 1984.
Noong Mayo 2011, ang Mga Arkibong Thor Heyerdahl o Thor Heyerdahl Archives ay naidagdag sa Rehistro ng "Alaala ng Mundo" ng UNESCO.[1] Noong panahong iyon, ang talang ito ay nagbibilang ng 238 na mga kalipunan magmula sa lahat ng mga bahagi ng daigdig.[2] Ang Mga Arkibong Heyerdahl ay sumasakop sa mga taon ng 1937 hanggang sa 2002 at kinabibilangan ng mga kalipunang potograpiko (may mga larawan), mga talaarawan, mga plano ng ekspedisyon, mga artikulo, mga clipping o mga ginupit na mga artikulo mula sa mga pahayagan, mga orihinal na mga manukrito ng aklat at pang-artikulo. Ang Mga Arkibong Heyerdahl ay pinangangasiwaan ng Museong Kon-Tiki at ng Pambansang Aklatan ng Noruwega sa Oslo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "New collections come to enrich the Memory of the World". Portal.unesco.org. Nakuha noong 1 Setyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Memory of the World Register Application form from Kon-Tiki Museum for Thor Heyerdahl Archives" (PDF). Nakuha noong 1 Setyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)