Kondado ng Brunswick, Hilagang Carolina
Kondado ng Brunswick Brunswick County | |
---|---|
county of North Carolina | |
Mga koordinado: 34°02′N 78°13′W / 34.04°N 78.22°W | |
Bansa | Estados Unidos ng Amerika |
Lokasyon | Hilagang Carolina, Estados Unidos ng Amerika |
Itinatag | 1764 |
Kabisera | Bolivia |
Bahagi | Talaan
|
Lawak | |
• Kabuuan | 2,720 km2 (1,050 milya kuwadrado) |
Populasyon (1 Abril 2020, Senso)[1] | |
• Kabuuan | 136,693 |
• Kapal | 50/km2 (130/milya kuwadrado) |
Websayt | http://www.brunsco.net |
Ang Kondado ng Brunswick (Ingles: Brunswick County) ay ang pinakatimog na kondado sa estado ng Hilagang Carolina, Estados Unidos. Magmula noong senso 2010, may 107,431 katao na nakatira sa kondado.[2] Dahil nasa 73,143 katao lamang ang populasyon nito noong 2000, naging isa ito sa pinakamabilis na lumalagong kondado sa estado, na may nominal na reyt ng paglaki na humigit-kumulang 47% sa loob ng sampung mga taon, kalakip ng karamihang paglaki na nakasentro sa silangang bahagi ng kondado, mga naik ng Wilmington tulad ng Leland, Belville at Southport. Mayroon itong tinatayang populasyon na 136,744 katao noong 2018 at pang-apat ito sa mga kondadong may mabilis na lumalaking populasyon. Ang luklukan ng kondado ay ang bayan ng Bolivia, na may humigit-kumulang 150 katao at isa sa may pinakamababang populasyon na mga lulukan ng kondado (county seats) sa estado.[3]
Nakapaloob ang Kondado ng Brunswick sa Myrtle Beach-Conway-North Myrtle Beach, SC-NC Metropolitan Statistical Area. Dati itong bahagi ng Wilmington, NC Metropolitan Statistical Area. Pinagtalunan ng mga pinuno ng Kondado ng Brunswick at Wilmington ang pagbabago ng pagtatalaga ng kalakhang pook, pero hindi naging matagumpay ito.[4]
Turismo ang pangunahing tagasustento ng ekonomiya ng kondado, dahil sa mga pamayanang pandalampasigan sa nakaharap sa timog na mga dalampasigang paglampas ng Tangos ng Fear tulad ng Bald Head Island (ang pinakatimog na punto ng Hilagang Carolina) at Pulo ng Oak na kabilang sa pinakapatok na mga pinupuntahan. Ang bayan ng Calabash naman na nasa hangganan ng Timog Carolina ay kilala sa kanilang pagkaing-dagat na ipinirito, kalakip ng mga kainang "ala-Calabash" sa lugar. Isa ring tampok na lokasyon ang kondado ng pag-shoshooting para sa maraming mga pelikula at palabas sa telebisyon, dahil sa pagiging malapit nito sa mga Estudyo ng EUE/Screen Gems sa kalapit na Wilmington.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuo ang kondado noong 1764 mula sa mga bahagi ng Kondado ng Bladen at Kondado ng New Hanover. Ipinangalan ito mula sa pantalang pangkolonya ng Brunswick Town (mga guho na sa kalaukuyan) na ipinangalan naman mula sa Dukado ng Brunswick-Lüneburg na noon ay hawak pa ng mga haring Briton ng Pamahayan ng Hanover.
Mga komunidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga nayon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga township
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lockwood Folly
- Northwest
- Shallotte
- Smithville Township
- Town Creek
- Waccamaw
Mga hindi-saping komunidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Antioch
- Ash
- Batarora
- Bell Swamp
- Bishop
- Biven
- Bonaparte Landing
- Boone's Neck
- Bowensville
- Brunswick Station
- Camp Branch
- Cedar Grove
- Civietown
- Clairmont
- Clarendon
- Coolvale
- Doe Creek
- Eastbrook
- Easy Hill
- Half Hell
- Longwood
- Maco
- Piney Grove
- Red Bug
- Sunset Harbor
- Supply
- Thomasboro
- Winnabow
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://data.census.gov/cedsci/table?t=Populations%20and%20People&g=0100000US,%241600000&y=2020; hinango: 1 Enero 2022.
- ↑ "State & County QuickFacts". United States Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2011. Nakuha noong Oktubre 17, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Find a County". National Association of Counties. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-31. Nakuha noong 2011-06-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-20. Nakuha noong 2013-05-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Wilmington disputes move
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Midyang kaugnay ng Brunswick County, North Carolina sa Wikimedia Commons
- Geographic data related to Kondado ng Brunswick, Hilagang Carolina at OpenStreetMap
- Opisyal na website
Kondado ng Columbus | Kondado ng Pender | |||
Kondado ng New Hanover | ||||
Kondado ng Brunswick, Hilagang Carolina | ||||
Kondado ng Horry, Timog Carolina | Karagatang Atlantiko |