Pumunta sa nilalaman

Kondenser (panglaboratoryo)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kondensador sa laboratoryo)
Isang halimbawa ng uri ng kondenser.

Ang kondenser o kondensador ay isang piraso ng babasagin o yari sa salaming kagamitang panglaboratoryong ginagamit sa pagpapalamig ng maiinit na mga singaw o mga likido. Karaniwang binubuo ito ng isang malaking tubong salaming naglalaman ng isang mas maliit na tubong salaming tumatakbo sa buo nitong haba, kung saan dumadaloy o dumaraan sa loob nito ang maiinit na mga pluwido. Kalimitan ding nilalagyan ang mga dulo ng panloob ng tubong salamin ng mga hugpungan salamin na maginhawa o madaling paglagyan ng iba pang mga kasangkapang panglaboratoryong yari rin sa salamin. Kalimitang iniiwanang bukas sa atmospero ang pang-itaas na dulo nito, o pinasisingaw sa pamamagitan ng bulaan o pampabula upang maiwasan ang ingreso ng tubig o oksiheno.

Karaniwan namang may dalawang koneksiyon o ugpungang tubong goma o hos ang panlabas na tubong salamin, at mayroon ding may pinadaraan sa loob nito na isang pampalamig (coolant, na kalimitang tubig sa gripo o pinalamig na tubig o may halong panlaban sa pagyeyelo). Upang maging mas mabisa, palaging dumaraan ang malamig na tubig mula sa pang-ilalim na dugtong o hugpong, at lumalabas mula sa pang-itaas o pang-ibabaw na hugpong o dugtong. Maraming iba pang mga kondenser ang maaari pagdugtung-dugtungin upang makagawa ng mga serye o sunuran. Karaniwang hindi kailangan ang mataas o mabilis na takbo ng pagtulo upang panatilihin ang pampalamig na latag.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.