Pumunta sa nilalaman

Normanong Pagsakop ng Inglatera

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kongkistang Normando)
Ang Burda ng Bayeux ay naglalarawan sa Labanan ng Hastings at sa mga pangyayaring nagbigay-daan dito.

Ang Normanong Pagsakop ng Inglatera (Ingles: Norman Conquest of England) ay nagsimula noong Setyembre 28, 1066 sa pagsalakay sa Inglatera ni Guillermo, Duke ng Normandia, na siyang nakilala bilang Guillermong Kongkistador pagkatapos ng kaniyang tagumpay sa Labanan ng Hastings noong Oktubre 14, 1066, na siyang tumalo sa hari doon noon na si Harold II ng Inglatera. Ang hukbo ni Haroldo ay lubos na nabawasan matapos ang tagumpay nilang mga Ingles sa Labanan ng Stamford Bridge sa Hilagang Inglatera noong Setyembre 25, 1066 laban sa hukbo ni Haring Harald III ng Norwega. Pagsapit ng taong 1071, si Guillermo ay nakapagpatibay ng kaniyang pamamahala sa malaking bahagi ng Inglatera,[1] sa kabila ng mga paghihimagsik at pagtututol na nagpatuloy hanggang sa taong 1088.

Ang Kongkistang Normando ay isang makabuluhang pangyayari sa kasaysayang Ingles. Inalis nito halos ang katutubong kamaharlikaan at pinalitan ito ng dayuhang nagpa-Pranses na monarkiya, aristokrasya at mga klero.[2] Ito, sa huli, ang naging sanhi ng pagbabago ng wikang Ingles at ng kultura ng Inglatera sa loob ng panahong tinaguriang Norman England ("Normandong Inglatera").

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bates, William the Conqueror.
  2. Higham, Death of Anglo-Saxon England.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.