Pumunta sa nilalaman

Accounting

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kontadurya)

Ang accounting[A 1][A 2] (pagbigkas: a•kawn•ting), pagtutuos, kontadurya (Kastila: contaduria) ay ang pagsukat, pagproseso, at pagbalita ng impormasyong pinansyal ng mga ekonomikong entidad tulad ng mga kumpanya at korporasyon.[3] Ang modernong larangan nito ay itinatag ng Italyanong matematiko na si Luca Pacioli noong 1494. Tinaguriang ‘wika ng pagnenegosyo’, sinusukat ng Accounting ang resulta ng mga ekonomikong aktibidad ng isang organisasyon at inihahatid itong impormasyon sa iba’t-ibang gumagamit nito, tulad ng mga namumuhunan, nagpapautang, namamahala, at mga nangangasiwa. Ang mga propesyonal sa accounting ay tinatawag na accountant. Ang mga terminong “accounting” at “pag-uulat pinansyal” ay madalas ginagamit bilang magkasing-kahulugan.

Maaaring hatiin ang Accounting sa iba’t ibang larangan tulad ng pinansyal na accounting, management accounting, panlabas na awditing, tax accounting, at cost accounting. Ang mga accounting information system ay dinisenyo upang suportahan ang accounting at mga gawaing may kinalaman dito. Ang pinansyal na accounting ay nakatuon sa pag-ulat ng impormasyong pinansyal ng isang organisasyon, kung saan kasama dito ang paghanda ng mga pahayag na pinansyal, para sa mga taga-labas na gumagamit ng impormasyong ito tulad ng mga namumuhunan, nangangasiwa, at nanunustos; ang management accounting ay nakatuon sa pagsukat, pagsuri, at pag-ulat ng impormasyon para sa mga taga-loob ng gumagamit ng impormasyong ito tulad ng mga namamahala ng negosyo. Ang pagtatala ng mga transaksyong pinansyal, na ginagawa upang mailahad sa mga pinansyal na ulat ang buod ng mga pananalapi, ay kilala sa tawag na bookkeeping, na kung saan ang double-entry bookkeeping ang pinaka-ginagamit na sistema.

Ang accounting ay pinangangasiwaan ng mga organisasyong pang-accounting tulad ng mga tagapagtakda ng pamantayan, kompanyang pang-accounting, at mga lupong propesyonal. Ang mga pahayag pinansyal ay karaniwang ina-awdit ng mga accounting firm, at inihahanda alinsunod sa Generally Accepted Accounting Principles (GAAP). Ang GAAP ay itinakda ng iba’t-ibang organisasyong tagapagtakda ng pamantayan tulad ng Financial Accounting Standards Board (FASB) sa Estados Unidos at Financial Reporting Council sa Gran Britanya. Mula 2012, lahat ng pangunahing ekonomiya ay may planong magtipon o gamitin ang International Financial Reporting Standards (IFRS).

  1. Batay sa paggamit ng Komisyon sa Regulasyong Pampropesyon — "Lupon ng Accountancy".[1]
  2. Siyang paggamit din ng akademya gaya ng Departamento ng Accountancy, Kolehiyo ng Negosyo at Ekonomiks, De La Salle University.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Sample of Professional Regulation Commission, Board of Accountancy Certificate of Registration".
  2. "Negosyanteng Pinoy" (PDF) (PDF). Departamento ng Accountancy, Kolehiyo ng Negosyo at Ekonomiks, De La Salle University. Disyembre 2003. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-04. Nakuha noong 2015-10-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gaboy, Luciano L. Accounting - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.