Pumunta sa nilalaman

Korona ni San Eduardo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Heraldikong Pagsasalarawan ng Korona ni San Eduardo

Ang Korona ni San Eduardo (Ingles: St. Edward's Crown ) ay isa sa mga pinakamatanda sa mga Makaharing Hiyas ng Britanya. Ito ang itinuturing na pinakapunong bahagi ng Regalya, dahil ito ang koronang pangkoronasyon na ginagamit sa mga koronasyon ng noo'y Ingles at ngayo'y mga monarkong Britanniko, kabilang ang Reyna Elizabeth II, na ngayo'y namumuno sa 16 na malayang Realmong Komonwelt. Ang ngalan ng korona ay hango kay San Eduardo Ang Tagapagpaamin, ngunit ang ginagamit na korona ngayon ay ang ikalawang bersyon na ginawa para sa koronasyon ni Haring Carlos II noong 1661, matapos ang pagwasak sa naunang korona noong Interregnum sa utos ni Oliver Cromwell. Ang mga representasyon nitong 2D ay ginagamit sa mga sagisag, tsapa at ang iba pang insinya sa mga Realmong Komowelt upang ipakita ang soberanya ng monarka.