Pumunta sa nilalaman

Cronus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kronos)
Si Cronus, habang nilalamon ang isa sa kanyang mga anak.

Si Cronus o Kronos[1] ay isang Titan (mitolohiya) sa mitolohiyang Griyego. Sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang ang bathalang si Saturno. Sa Romanong Saturno ibinatay ang pangalan ng planetang Saturno.[2] Siya ang pinuno ng mga higanteng Titano o Titan, at asawa ng kanyang reyna at kapatid na babaeng si Rhea (o Ops sa Romano). Batay sa mitolohiyang Griyego at Romano, si Cronus at ang kanyang mga kasamang Titano ang nakapagpalayas sa mga halimaw na dating nananahan sa kanilang mitolohikong mundo. Sa pagpapatuloy ng salaysay, napag-alaman ni Cronus na mapapalitan siya sa pagkahari ng isa sa kanyang magiging mga anak. Kaya't nilulunok niya ang mga ito, sa bawat pagkakataon magsisilang si Rhea, upang mapigilan ang kanyang pagkagapi. Nalunok niyang lahat ang kanyang mga naging anak kay Rhea, maliban na lamang sa kay Zeus (o Hupiter sa Romano) na itinago ni Rhea sa pulo ng Creta sa Gresya. Sa halip ang nalunok ni Cronus ay isang batong ibinalot ni Rhea sa isang kasuotan.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Kronos". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), The Gods and Goddesses of Mount Olympus, pahina 107.
  2. Gaboy, Luciano L. Saturn - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. "Cronus, Saturn, Greek Mythology". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 356.

MitolohiyaGresyaRoma Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya, Gresya at Roma ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.