Pumunta sa nilalaman

Saturno (planeta)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Planetang Saturno)
Ang planetang Saturno.

Ang Saturno (Ingles: Saturn,[1] IPA: /ˈsætɚn/; sagisag: ♄) ay ang pang-anim na planeta mula sa Araw at ang pangalawang pinakamalaking planeta sa sistemang solar, pangalawa sa Hupiter. Nagmula sa isang sinaunang bathalang Romano ang pangalan ng planetang ito.

Katulad ng planetang Hupiter, ang Saturno ay walang solidong ibabaw, mayroon lamang itong mga patong ng malalamig na idrohino na nasa pormang likido at gas. Mayroon din itong mabrilyanteng disk na gawa sa napakaraming patag na singsing ng yelo. Ito ay karaniwang umiikot sa nasabing planeta.[2]

Hindi bababa sa 146 na buwan[3] ang umiikot sa planeta, kung saan 63 ang opisyal na pinangalanan; hindi kasama sa mga ito ang daan-daang moonlet sa mga singsing. Ang Titan, ang pinakamalaking buwan ng Saturno at ang pangalawang pinakamalaking buwan sa Sistemang Solar. Ito ay mas malaki (at hindi gaanong malaki) kaysa sa planetang Merkuryo at ang tanging buwan sa Sistemang Solar na may malaking kapaligirang angkop para sa buhay.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Saturn, isang planeta - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. The American Heritage Children's Science Dictionary (2003), Houghton Muffling Company ISBN 0-618-35401-8
  3. "MPEC 2023-J49 : S/2006 S 12". Minor Planet Electronic Circulars. Minor Planet Center. 7 Mayo 2023. Nakuha noong 7 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Munsell, Kirk (6 Abril 2005). "The Story of Saturn". NASA Jet Propulsion Laboratory; California Institute of Technology. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Agosto 2008. Nakuha noong 7 Hulyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.