Krus ni Magallanes

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Krus ni Magallanes

Ang Krus ni Magallanes o Krus ni Magellan (Ingles: Magellan's Cross) ay isang Kristyanong krus na tinanim ng mga manggagalugad na Portuges at Espanyol na pinangunahan ni Fernando de Magallanes nang marating nila ang Cebu sa Pilipinas noong Marso 15 , 1521 (depende sa pinagmulan).[1][2]

Ang krus ay nasaloob ng isang kapilya katabi ng Basilica Minore del Santo Niño sa Kalyeng Magallanes, sa harapan lamang ng sentro ng Lungsod ng Cebu. Sa isang pananda sa ilalim ng krus ay nagsasaad na ang orihinal na krus ay nasa loob ng isang kahoy na krus na nasa gitnang bahagi ng kapilya. Ito ay upang protektahan ang krus mula sa mga taong tumatapyas ng bahagi ng krus para sa This is to protect the original cross from people who chipped away parts of the cross for subenir o naman sa paniniwala na milagroso ang krus.[3] Ngunit naniniwala ang ilan, na ang orihinal na krus ay nawasak o nawala pagkatapos ng pagkamatay ni Magallanes at ang krus ay isang replika lamang na itinanim ng mga Espanyol matapos tuluyang masakop ng mga Espanyol ang Pilipinas.[1][2][4]

Gallerya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang gusali na pinamamahayan ng Krus ni Magallanes
Ang pasukan
Pananda sa paanan ng krus

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 10°17′35.9″N 123°54′6.5″E / 10.293306°N 123.901806°E / 10.293306; 123.901806