Pumunta sa nilalaman

Kubita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang kubita (nasa kanan) na may katabing isang salaping barya (nasa kaliwa) upang mahambing ang laki o mapagtulad ang sukat.
Huwag itong ikalito sa kubeta. Para sa rehiyon sa Republika ng Konggo, pumunta sa Rehiyon ng Cuvette.

Ang kubita o kubete ay isang uri ng yari sa salaming kagamitang panglaboratoryo na kalimitang tinabas na pabilog o parisukat, na nakasara ang isang dulo at bukas ang isa pang dulo. Bukod sa salamin, maaari rin itong gawa sa plastiko o kuwarts na may gradong optikal. Ginawa ito upang humawak o maglaman ng mga halimbawa o mga sampol para sa mga pagsubok o pagsusuring ispektroskopiko. Pinakamainam sa mga klase nito iyong mga pinakanaaaninag, at walang mga impuridad o duming maaaring makaapekto sa pagbasang ispektroskopiko. Katulad ng isang tubong pangsubok, maaaring bukas o nakalantad ang ibabaw ng kubita sa hangin o maaaring may isang takip na yari sa salamin o iba pang materyal.

Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.