Pumunta sa nilalaman

Uhog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kulangot)
Para sa sakit na sipon, tingnan ang Karaniwang sipon

Ang uhog o sipon (Ingles: mucus, bigkas: myu-kus; nasal mucus o "uhog sa ilong" o "sipon sa ilong") ay ang malapot na bagay na binubuo ng mga musino (o mucin), selula, asin, at tubig na pantakip sa at pampadulas sa lamad na mukosa o membrano ng mukosa (membranong mukosal, Ingles: nasal mucosa).[1] Ito ang madulas at mamasa-masang dumi na nagiging kulangot o ang tumigas at natuyong uhog (Ingles: booger) na natatagpuan sa kahabaan ng lamad na mukosa ng ilong.[1]

Sa larangan ng medisina, mas malawak ang kahulugan ng uhog sapagkat ito ang malinaw at madikit na sustansiyang gawa ng mga membrano ng mukosa, na gumuguhit o nakalinya sa mga bukasan ng katawang katulad ng ilong, bibig, at ilang mga partikular na organong kagaya ng tiyan at mga bituka. Pinananatili ng uhog o mukus at myukus (mula sa Ingles na mucus) ang pagiging mamasa-masa ng mga nabanggit na bahagi o pook ng katawan, at nagsisilbing pamprotekta o pananggalang na pambalot ng mga ito.[2]

Nagsisilbing pananggalang ng pitak pang-respiratoryo ang kulangot. Sinisilo ng kulangot ang anumang mga dayong bagay katulad ng alikabok o mga maliit na buto ng mga halaman (Ingles:pollen) bago mapasok ng mga ito ang natitirang bahagi ng pitak pang-hinga. Tuluy-tuloy na inilalabas ng ilong ang kulangot, at nalulunok ng tao, na di niya namamalayan, ang karamihan sa mga ito. Nakakairita ito sa ilong kaya't kailangan itong tanggalin dahil hindi makakahinga ang tao kapag hindi ito inalis. Puwedeng tanggalin sa pamamagitan ng hinliliit ng daliri, tisyu, tuwalyang papel, at iba pa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Mucus, uhog, kulangot - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Mucus, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 206.
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.
  1. "American Heritage Dictionary (Diksyunaryo ng Pamanang Amerikano)". Kompanyang Houghton Mifflin. 2004.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Isinangguni noong 10 Disyembre 2006.
  2. Ghorayeb, Bechara (21 Oktubre 2006). "Mga larawan ng rhinolith (Nasal Calculus)". Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2018. Nakuha noong 8 Oktubre 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Isinangguni noong 10 Disyembre 2006.
  3. Artikulo mula sa Pamantasan ng Arizona (serbisyong pangkalusugan ng kampong pampaaralan) Naka-arkibo 2006-01-26 sa Wayback Machine.
  4. Artikulo tungkol sa kulay ng kulangot o mucus mula sa Everything2.com


Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.