Pangungumadrona
Ang pangungumadrona (Kastila: Matrona, Ingles: Midwifery, Aleman: Hebamme, Pranses: Sage-femme) ay isang propesyon sa pangangalaga ng kalusugan kung saan nagbibigay ang mga komadrona o hilot sa panganganak[1] ng pangangalaga bago manganak sa mga ina na nagdadalangtao, dumadalo at nag-aasikaso sa panganganak o pagluluwal ng sanggol, at nagbibigay din ng pangangalaga sa panahon pagkatapos na makapanganak sa ina at sa kanyang sanggol. Kapwa ginagamit na pangtawag ang mga salitang komadrona at hilot para sa mga lalaki at babaeng nangungumadrona, gayon din ang katumbas nito sa Ingles na midwife, lalaki man o babae ang komadrona. Sa Ingles, batay sa etimolohiya, nagmula ang midwife mula sa Gitnang Ingles na mid = may, at sa Matandang Ingles na wif = babae, na kabag binuo ay literal na "may babae").
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kalusugan at Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.