Pumunta sa nilalaman

Kurukshetra

Mga koordinado: 29°57′57″N 76°50′13″E / 29.965717°N 76.837006°E / 29.965717; 76.837006
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kurukshetra
Lungsod
Kurukshetra is located in Haryana
Kurukshetra
Kurukshetra
Mga koordinado: 29°57′57″N 76°50′13″E / 29.965717°N 76.837006°E / 29.965717; 76.837006
BansaIndia
EstadoHaryana
DistritoKurukshetra
Lawak
 • Kabuuan1,530 km2 (590 milya kuwadrado)
Populasyon
 • Kabuuan9,65,781
 • Kapal630/km2 (1,600/milya kuwadrado)
Mga wika
 • OpisyalHindi
Sona ng orasUTC+5:30 (IST)
PIN
136118
Kodigo ng telepono911744
Plaka ng sasakyanHR 07X XXXX
Websaytkurukshetra.nic.in
[1]

Ang Kurukshetra tungkol sa tunog na ito bigkas  (Hindi: कुरुक्षेत्र) ay isang lupain na mayroong kahalagahang pangkasaysayan at panrelihiyon. Sa kasaysayan, ito ay kabilang Punjab ngunit ngayon ay isang ditrito ng estadong Haryana ng India. Ito ay isang banal na lupain at kilala bilang ang Dharmakshetra ("Banal na Lungsod"). Ayon sa mga Purana, ang Kurukshetra ay ipinangalan kay Haring Kuru na ninuno ng mga Kaurava at mga Pandava na binabanggit sa Mahabharata. Ang kahalagahan ng lugar na ito ay itinuturo sa katotohanang ang Digmaang Kurukshetra ng Mahabharata ay nilabanan sa lupaing ito at ang Bhagavad Gita ay ipinangaral sa lupaing ito noong digmaan nang natagpuan ni Panginoong Krishna si Arjuna sa isang teribleng dilemma.[1]

Ang Thanesar o Sthaneswar ay isang historikal na bayan na matatagpuang katabi ng ngayong bagong siyudad ng Kurukshetra. Ang Thanesar ay naghango ng pangalan nito mula sa salitang "Sthaneshwar" na nangangahulugang "Lugar ng Diyos". Ang Templong Sthaneshwar Mahadev na ang nangangasiwang Diyos ay si Panginoong Shiva ay pinaniniwalaang ang pinakamatandang templo sa bisinidad. Ang mga usap usapan pang lokal ay tumutukoy sa maalamat na "Kurukshetra" sa kalapit na lugar na kilala bilang Thanesar. Ang ilang mga kilometro mula sa Kurukshetra ang nayon na kilala bilang Nayong Amin kung saan ay may mga mga labi ng isang moog na pinaniniwalaang ang moog ni Abhimanyu.

Sa ilang mga sinaunang kasulatang Hindu, ang mga hangganan ng Kurukshetra ay tinatayang tumutugon sa estado ng Haryana. Kaya ayon sa Taittiriya Aranyaka 5.1.1., ang rehiyong Kurukshetra ay timog ng Turghna (Srughna/Sugh sa Sirhind, Punjab), hilaga ng Khandava (rehiyong Delhi at Mewat), silangan ng Maru (disyerto) at kanluran ng Parin.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "History of Kurukhsetra". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-11. Nakuha noong 2013-05-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Agarwal, Vishal: Is There Vedic Evidence for the Indo-Aryan Immigration to India? (PDF)