Kusina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang kusina ay bahagi ng isang bahay o gusali kung saan ginagawa ang pagluluto at paghahanda ng pagkain.[1] Karaniwang makikita sa ng kusina ang lutuan, lababo, at mesa.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong sinaunang panahon, ang mga tao ay nagluluto gamit ang apoy sa lupa. Nang maglaon, nalikha and mga iba't ibang uri ng gamit panluto at nagkaroon din ng pausukan (ingles: chimney) upang daanan ng usok. Naimbento na rin and iba't ibang uri ng lutuan at iba pang gamit pang-kusina gaya ng pridyeder, gasera, at hurno. [2]Sa kasalukuyan, marami ng iba't ibang kagamitan sa kusina ang gumagamit ng kuryente upang umandar gaya ng makinang panghugas, elektronikong hurno, tagagawa ng kape, blender, at marami pang iba.[3]

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. Ramos, Ana Lopes. "A Brief History of Kitchen." John Desmond Limited. Hinango noong 07 Marso 2019.
  3. "Using your Kitchen Appliances Safely." Toplistly. Hinango noong 07 Marso 2019.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.